Ni VT ROMANO
HINDI pinaporma ni Jayson Tatum, may 34 points kabilang ang panablang jumper sa huling 33 seconds, habang nagdagdag si Jaylen Brown ng 29, nang hiyain ng Boston Celtics ang host San Antonio Spurs, 121-116, Linggo (Manila time).
Habang nasa free throw line sa first half, hinarana si Tatum ng “MVP! MVP!” chants, na sinuklian niya ng highest-scoring game sapol nang magtala ng 38 points laban sa Houston Rockets noong Disyembre 27.
Walong players ng San Antonio ang may double figures sa pangunguna ng may tig-18 puntos na sina Josh Richardson, Zach Collins at Tre Jones. Ngunit bigo ang Spurs makalamang bunga ng kakulangan sa players–injured sina starters Keldon Johnson, Devin Vassell at Jakob Poeltl.
Bagama’t naitabla ni Richardson at dating Celtics player Romero Langford ang iskor sa huling 37 seconds (116-all), isang step-back 13-footer ang binitiwan ni Tatum at nai-shoot ang una sa dalawang free throws, bago sinadyang imintis ang ikalawa para selyuhan ang panalo ng Celtics.
JAZZ KUYOG KINA
LAVINE, DEROZAN
TATLONG sunod na three-pointer ang kinana ni Zach LaVine sa fourth-quarter tungo sa 36-point output, habang may 35 puntos si DeMar DeRozan sa 126-118 win ng Chicago Bulls kontra Utah Jazz.
Matapos magtala ng 11 3s, umiskor ng 41 points kontra Philadelphia 76ers noong Biyernes (126-112), iniskor ni LaVine ang magkakasunod na tres para hatakin sa walo ang kalamangan ng Bulls.
Nalampasan naman ni DeRozan sina Paul Gasol at Bob Pettit sa 40th place ng NBA’s career scoring list.
Ikatlong sunod itong panalo ng Bulls tungo sa 19-21. Habang 20-22 naman ang Utah matapos ang sixth loss sa nakaraang pitong laro.
Si former Bulls player Lauri Markkanen ang nanguna sa Jazz, 18 points at si Ochai Agbaji, 19 points.
Mula sa 92-99 count, naghabol ang Bulls at kumana ng 11-2 run, sa pangunguna ng dalawang three-pointer ni Patrick Williams at layup ni 6-foot guard Coby White laban sa 7-footer na si Markkanen, 7:32 pa sa huling yugto.
MAGIC TUMALAB
SA WARRIORS
NAGBALIK ang ilang reinforcement ng defending champion Warriors, pero nagpahinga ng operadong tuhod ni Klay Thompson.
Resulta? Talo ang Golden State sa ikalawang sunod na home games at unang pagkakataon ngayong season.
Umiskor si rookie Paolo Banchero ng 25 points, nagdagdag si Franz Wagner ng 24 sa pagkaldag ng Orlando Magic sa host GSW, 115-101.
Unang panalo ito ng Magic sa teritoryo ng Warriors matapos ang higit 10 taon.
May career-high 26 points (five 3s off the bench) si Anthony Lamb para sa Golden State. Nag-ambag si Jordan Poole ng 21 points at si Donte DiVincenzo, 15 points at eight rebounds sa ikalawang sunod na talo ng Warriors kasunod ang season-best five-game winning streak at six-game unbeaten stretch sa Chase Center.
Ang nasabing streak ay tinapos ni Saddiq Bey, via buzzer-beating 3-pointer sa panalo ng Detroit, 122-119 noong nakaraang Miyerkoles.
Nakabalik na si All-Star Andrew Wiggins at veteran Andre Iguodala, habang late scratch naman si Thompson sa laro sanhi ng left knee soreness, bagama’t nakapag-warm up pa bago ang laro.
“It got sore during warmups and the training staff looked at him and for precautionary reasons kept him out of the game,” lahad ni coach Steve Kerr.
Umiskor si Wiggins ng 12 sa 19 minuto matapos ang 15-game absence sanhi ng strained muscle sa right upper leg at non-COVID illness.
Nakaka-11 straight games namang absent si Stephen Curry bunga ng partially dislocated left shoulder, pero inaasahang makababalik sa susunod na linggo.
Gaya nang inaasahan, mainit na tinanggap ng Warriors fans ang pagbabalik ni Iguodala, ipinasok ni Kerr 7:28 sa laro at sumalang ng kabuuang 12 minuto.
Ang 38-anyos veteran ay nawala sa sirkulasyon sanhi ng left hip injury.
LAKERS NAKAPUSLIT
SA KINGS
KUMAMADA ng 37 points si LeBron James, naisalaksak ni Dennis Schroder ang dalawang free throws sa huling 3.6 seconds at naitakas ng Los Angeles Lakers ang 136-134 win kontra host Sacramento Kings.
Si De’Aaron Fox, may 34 points at nine assists sa Sacramento ay bigo sa halfcourt shot sa buzzer.
Nagtala si Schroder ng 27 points para tulungan ang Lakers (19-21) sa ikaanim na panalo sa seven games.
May eight rebounds at seven assists din si James, nai-shoot ang dalawang free throws mula sa sixth foul ni Domantas Sabonis, 48.1 seconds sa laro, para sa one-point lead ng Lakers.
Samantala, wagi ang Dallas Mavericks kontra New Orleans Pelicans, 127-117.
199