SQUADRON NG PAF RESERVISTS PLANONG BUUIN SA PASIG

BUMISITA sa tanggapan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga pinuno ng 1st Air Force Wing Reserve (AFWR) ng Philippine Air Force sa pamumuno ni Wing Commander BGen. Charito Plaza upang hikayatin ang pamahalaan lungsod ng Pasig City na mabuo ang squadron ng mga reservist.

Layunin nito na palakasin ang paghahanda at kasanayan ng mga laang kawal lalo na sa panahon ng mga kalamidad at sakuna.

Kabilang sa mga opisyales ng AFRW na dumalo sa pulong sina LtC Ritza Ann Jovellanos-Commanding Officer, LtC Donald Lim, Major Cesar Pareja, 2Lt Mico Vergel at Major Chie L. Umandap.

176

Related posts

Leave a Comment