STAYSAFE APP, HINDI PA APRUBADO NG DICT

PATULOY ang isinasagawang pag-aaral ng Department of Information Communications and Technology (DICT) sa staysafe Application.

Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ni DICT deputy spokesperson Atty. Adrian Echaus na hinihintay na lamang nila itong matapos para malaman kung fit o maaari bang gamitin ang staysafe app para sa contact tracing ng mga nakasalamuha ng mga COVID-19 positive.

Magiging depende na aniya sa ilalabas na guidance at direktiba ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na nagsasagawa ngayon ng collaboration effort ang magiging desisyon ng DICT kung puwedeng gamitin o hindi Ang aplikasyon.

Sinabi pa ni Echaus na pinag-aralan na ng kanilang Cyber Security Bureau ang staysafe app at mayroon na aniyang resulta hinggil dito ang DICT ngunit kailangan lamang aniya nilang hintayin ang kalalabasan ng isinasagawang pag-aaral ng iba pang ahensya ng pamahalaan. CHRISTIAN DALE

132

Related posts

Leave a Comment