STRICT IMPLEMENTATION NG GUN BAN SA BICOL SINIMULAN NA

INIHAYAG ng Philippine Army at Philippine National Police-Police Regional Office 5 (PNP-PRO5) na sinimulan na nilang mag-deploy ng mga dagdag na mga tauhan bilang suporta ng Joint Task Force (JTF) Bicolandia sa pagpapatupad ng COMELEC checkpoints at gun ban kaugnay sa nalalapit na 2022 national and local elections.

Ayon kay MGen. Alex DC Luna, commander ng JTF Bicolandia, pasado alas-12:00 ng hatinggabi ng Enero 9, opisyal nang nagsimula ang

election period na magwawakas hanggang Hunyo 8, 2022, kaya

pinaalalahanan ang lahat ng mamamayan ng Southern Luzon partikular sa Bicol Region hinggil sa umiiral na total gun ban.

Kaya asahan na umano ang nagkalat na COMELEC checkpoints sa bawat siyudad at munisipalidad na babantayan ng PNP at military personnel.

“Ang JTF Bicolandia po ay katuwang ng COMELEC at PNP upang tiyaking magiging matiwasay at mapayapa ang buong panahon ng 2022 elections. Wala po kaming ibang hinihiling sa mga Bicolano kundi kooperasyon at pakikiisa. Sisiguruhin po ng inyong mga sundalo na ang darating na halalan ay ligtas at maayos na maisasagawa,” ani MGen. Luna

“Together with our partner agencies we are with high hopes to provide the Bicolanos orderly, safe, honest and peaceful elections. Kaya naman aming mas palalakasin ang iba’t ibang programa upang gampanan nang mas mabuti ang aming tungkulin sa pagtiyak ng matiwasay, tahimik at tapat na halalan,” pahayag naman ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director ng PNP-PRO5. (JESSE KABEL)

143

Related posts

Leave a Comment