SUNDIN ANG TERM-SHARING – PDU30

Ni NELSON S. BADILLA

IPATUPAD ang kasunduang “term-sharing” nina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ito ang “payo” ni Pangulong Rodrigo Duterte kina Cayetano at Velasco.

Matatandaang bago maganap ang State of the Nation Address (SONA) ni Duterte noong Hulyo 2019, agresibo si Cayetano na paaprubahan sa pangulo ang term-sharing upang maging speaker siya ng Kamara de Representantes.

Sa nasabing hatian, 15 buwang speaker si Cayetano at 21 naman kay Velasco.

Trinabaho ni Cayetano ang hatian ng termino dahil kung idadaan sa botohan ay talo siya.

Bagamat, ipinarating ni Duterte ang pagtupad nina Cayetano at Velasco sa kanilang kasunduan, tiyakin lamang na mayroong “bilang” ang kinatawan ng Marinduque laban sa kongresista ng Taguig at Pateros banggit ng tagapagsalita ni Duterte na si Secretary Harry Roque, Jr.

Kung walang bilang si Velasco ay desisyon na ng mga kongresista kung mananatili si Cayetano bilang speaker, o patatalsikin na nila ito sa puwesto, patuloy ni Roque.

Pumutok ang agawan sa pinakamataas na posisyon sa Kamara makaarang magreklamo si Negros Occidental Rep. Arnolfo Teves, Jr. na dalawang bilyon lang ang pondo ng kanyang distrito 2, kumpara sa P8.5 bilyon ni Cayetano at P11.5 bilyon sa distrito 2 ni Deputy Speaker at Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, Jr.

Si Teves ay kakakampi ni Velasco, samantalang si Villafuerte ay bataan umano ni Cayetano.

279

Related posts

Leave a Comment