SUNS-BUCKS SA NBA FINALS

Ni VT ROMANO

NAGHINTAY ng 47 taon ang Milwaukee Bucks para muling makarating sa NBA Finals.

Linggo (Manila time) kahit absent ang superstar na si two-time MVP Giannis Antetokounmpo, tinalo ng Bucks ang Hawks, 118-107 sa Game 6 ng Eastern ­Conference finals sa Atlanta.

Umiskor si Khris Middleton ng 32 points, kasama ang 16 sunod na puntos sa third period, na naging turning point ng laro, upang pangunahan ang Bucks.

Isinara ng Milwaukee ang series, 4-2 at umabante sa NBA Finals kontra Suns.

Sa Miyerkoles (Manila time) ang Game 1 sa Phoenix.

“It’s sweet,” lahad ni Milwaukee coach Mike Budenholzer, na dating coach ng Hawks. “These guys have put the work in all year. They deserve to go to the finals. I couldn’t be more proud of them. I love coaching them. We’ve got more work to do.”

Makalipas ang pagliban ng dalawang laro sanhi ng bone bruise sa kanang paa, bumalik si Trae Young sa Game 6, ngunit hindi masyadong naramdaman ang kanyang presenya.

Kapwa nangapa ang ­dalawang team sa first half, nang halos hindi sumasablay ang Bucks pagsapit ng third quarter, partikular si Middleton.

May tsansa sana ang Atlanta na makuha ang lead mula sa behind the back pass ni Young kay Kevin Huerter para sa 3-pointer. Hindi pumasok ang bola at umarangkada si Middleton at kinuha ang sumunod na 13 points tungo sa 60-45 lead ng Milwaukee.

Sinubukan ni Young na ihabol ang Hawks sa pamamagitan ng driving basket, subalit rumesbak naman si Middleton ng 3-pointer na nagbigay sa kanya ng 16 straight points.

Tinapos ni Middleton ang quarter na may 23 points, halos na-outscore niya ang buong Hawks. May 29 points lang ang Hawks, papunta sa final quarter habang tangan ng Milwaukee ang 91-72 lead.

Nagdagdag si Jrue Holiday ng 27 points sa Bucks. Nagsumite si Cam Reddish, halos hindi nakalaro sa season bunga ng achilles injury ng 21 points (off the bench), kasama ang 6-of-7 3 pointers.

Sa pagpasok sa finals, ginunita ang maagang taon ng Milwaukee nang maging sentro ng NBA world sa pangunguna nina Kareem Abdul-Jabbar at Oscar Robertson.

Sa ikatlong season ng Milwaukee, sina Abdul-Jabbar at Robertson ang namuno sa natatangi nitong NBA title noong 1971.

Makalipas ang tatlong taon, muling nakapasok sa East finals ang team, pero tinalo ng Boston Celtics.

Nagretiro si Robertson ma­tapos ang season, habang si Abdul-Jabbar ay nalipat sa Los Angeles Lakers, at doon natapos ang pagiging elite franchise ng Milwaukee.

125

Related posts

Leave a Comment