SUPER LAKAS NI MR. CLEAN

ANG imahe ng isang ­dating bida sa kalinisan sa ating mga kasuotan na si Mr. Clean ay maihahalintulad sa isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration na matipunong lalake at kumikinang ang ulo na tila pinahiran ng floor wax.

Ngunit ito kaya’y sa panlabas na anyo lamang?

Matatandaan na noong June 4, 2013 ay nagsagawa ang DOJ at NBI ng isang fact finding investigation matapos ang isang kaduda-dudang pagpapadeport kay Park Sungjun na isang Korean national.

Sa insidenteng iyon ay kinasuhan noon si alyas Mr. Clean ng paglabag sa Anti Graft Law at sinampahan din ng kasong administratibo dahil sa tinatawag na Gross Neglect of Duty.

Agad itong inilagay sa ­floating status at pansamantalang inilipat sa Commissioners office bilang technical assistant.

Si Park Sungjun ay inilagay noon sa BI blacklist batay sa order ng Board of Commissioners noong 2012 dahil sa pagiging undocumented at undesirable nito. Nabatid na hiniling pa ng South Korean Embassy dito sa Pilipinas sa BI – Fugitive Search Unit na hulihin at hagilapin itong si Sungjun dahil ito pala ay WANTED sa kanilang bansa dahil sa iba’t ibang mga kasong kaniyang kinasangkutan.

Dahil umano sa ­unauthorized/ unrecorded departure ni Sungjun sa Pilipinas ay pinaniniwalaang sinadya itong pinatakas kapalit ng malaking halaga.

Matapos ang pagkakatapon ni Mr. Clean ay isang artikulo naman ang lumabas sa internet na ikinanta na umano nito ang sindikato sa loob ng BI legal department kasabwat ang ilang matataas na opisyal ng DOJ kung papaano ang kitaan sa mga papeles na pumapabor sa mga dayuhang nakakulong at may kinakaharap na mga kaso sa bansa.

Nangamba din umano noon sa kanyang buhay si Mr. Clean matapos niyang isiwalat ang diumano’y money making activities ng kanyang mga kasamahan sa BI. Isa na sa kaniyang inihalimbawa noon ang kaso ng Indian national na si Thangam Madhana Gopal na nagbayad umano ng 2.2 milyong piso upang baliktarin ang desisyon na summary deportation laban sa dayuhan.

Matapos ang isang taong mahigit na pagkakatapon kay Mr. Clean ay nakabalik naman ito sa kanyang puwesto dahil na rin kaya sa malakas ang kanyang padrino?

Abangan ang kasunod ng pagtutok natin sa mga kinasangkutang kaso ni Mr. Clean.

Samantala, ano itong natanggap nating impormasyon na malaki umano kung ­maningil itong si Macho Chiquito sa mga Travel at liaison officers sa mga passports ng mga dayuhang overstayed na sa bansa? Abangan!!!

Para po sa inyong mga Sumbong at Reaksyon ay maari ninyo akong itext sa 09158888410.

174

Related posts

Leave a Comment