HUMINGI ng suporta si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala para sa pagho-host ng bansa sa FIBA World Cup sa susunod na taon.
“I encourage everyone, not just the basketball-loving Filipinos, to support the country’s hosting of the World Cup, which gives so much pride for the Philippines being one of the hosts, and stay behind our very own Gilas Pilipinas team,” panawagan ng dati rin PBA Commissioner at Executive Director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Si Eala ay naging project director ng orihinal na Smart Gilas Pilipinas noong 2008 at nagpasimula ng programa para sa national basketball team, na ngayo’y minementor ni head coach Chot Reyes.
Nitong Miyerkoles ay nag-courtesy call ang mga opisyal ng SBP kay Eala at PSC Commissioner at Philippine Sports Hall of Famer Bong Coo.
Tiniyak naman ni Eala na gagawin ng PSC ang lahat ng makakaya upang maipakita sa lahat ang world-class hosting ng bansa sa FIBA World Cup, ngunit kasabay nito’y nanawagan siya ng kooperasyon ng lahat ng nagmamahal sa basketball. (ANN ENCARNACION)
