ISINAPINAL na ni Vaccine czar at Chief Implementer Carlito Galvez ang supply agreement sa Johnson & Johnson.
Noong isang linggo ay nakipagpulong si Galvez sa Johnson & Johnson para plantsahin ang hakbang ng pamahalaan na makakuha rin ng bakuna mula sa nasabing American vaccine manufacturer.
Bukod sa Johnson & Johnson ay tinatrabaho rin nila na maisapinal ang kasunduan sa kumpanyang Gamaleya na siya namang manufacturer ng Sputnik V.
Samantala, apat na vaccine manufacturers ang natapos nang makapirmahan ng pamahalaan para sa supply agreement at ito ay ang Sinovac, AstraZeneca, Moderna at Novavax.
Tiwala naman si Galvez na ngayong Abril ay pulido at tapos na ang lahat ng kailangang kontrata sa mga kumpanyang target na angkatan ng bansa ng bakuna kabilang ang Pfizer.
“Magkakaroon po kami ng meeting tomorrow and hopefully we can finalize the supply agreement po. Iyong supply agreement po ng lahat po ng ating—ng Sinovac, AstraZeneca, Moderna and Novavax had been finalized and we will be finalizing iyong supply agreement po namin sa Johnson & Johnson’s and the Gamaleya,” ayon kay Galvez. (CHRISTIAN DALE)
180 