HIHIMAYIN ng Korte Suprema (SC) ang plano ng Sandiganbayan na tuldukan sa loob ng anim hanggang walong buwan ang lahat ng kasong may kinalaman sa anomalya sa flood control projects.
Sa pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng Strategic Plan for Judicial Innovations, sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na handa silang aksyunan agad ang anumang panukala ng Sandiganbayan para mapabilis ang pagresolba ng mga kaso.
“Any suggestions or recommendation coming from Sandiganbayan to expedite the cases involving flood control projects, for sure, we will review immediately and see to it that it is properly implemented and drafted,” ani Gesmundo.
Ayon naman kay Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg, bukas ang korte sa posibilidad ng livestreaming ng mga pagdinig, bilang hakbang tungo sa transparency.
Ngunit nilinaw nitong kailangan pa ng pahintulot ng Supreme Court, dahil kasalukuyang ipinagbabawal pa ang live coverage ng mga korte upang maprotektahan ang karapatan ng mga akusado.
(JULIET PACOT)
