SUSPEK SA 4 COUNTS NG RAPE TIMBOG SA RIZAL

RIZAL – Timbog sa mga awtoridad ang 20-anyos na wanted sa kasong 4 counts ng rape sa isinagawang pag-aresto sa bayan ng Tanay sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/Col. Rodolfo Santiago II, hepe ng Tanay PNP, ang suspek na si Arvin Acebuche y Belediano, 20-anyos, most wanted person, regional level at nakatira sa Brgy. Plaza Aldea sa nabanggit na bayan.

Dakong alas-9:20 ng umaga nang arestuhin ng mga awtoridad ang suspek sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Maria Josefina Goseco San Juan Torres, ng RTC Branch 79, Morong, Rizal, dahil sa kasong 4 counts ng rape, na may petsang Mayo 27, 2021.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa nasabing kaso ng suspek na nakapiit sa detention cell ng pulisya sa nasabing bayan.

(ENOCK ECHAGUE)

213

Related posts

Leave a Comment