SUSPEK SA HIT & RUN SA QUEZON, SUMUKO

CAMP GEN. NAKAR, LUCENA CITY – Sumuko na ang driver na suspek na hit and run sa isang sundalo sa lalawigan ng Quezon.

Kusang sumuko si Jessie Asesor, 48-anyos, may asawa, residente ng Purok Mangga 1, Brgy. Crossing, Lucena City, kay P/Col. Audie Madrideo, provincial director ng Quezon PNP.

Ito ay makaraang takbuhan ang biktimang si Corporal Arnel Ricamara, 41-anyos, aktibong sundalo ng Philippine Army at residente ng Brgy. San Roque, Catanauan, Quezon, na kanyang nakasalpukan sa sasakyan.

Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at natagpuan ang sasakyan na ginamit sa McKinley Hill, Makati City pasado alas-3:00 ng hapon noong Oktubre 9.

Matatandaan, sakay si Ricamara ng kanyang Yamaha motorcycle na may plate No.6150 WL, patungo sa direksyon ng norte nang makasalubong nito ang isang Foton van na may plate no. NEF 1300, na minamaneho ni Asesor.

Nagsalpukan ang dalawang sasakyan na ikinamatay ni Ricamara dahil sa tindi ng pinsala sa ulo at katawan nito.

Mabilis na tumakas si Asesor matapos ang pangyayari dahil sa matinding pagkatakot. (CYRILL QUILO)

167

Related posts

Leave a Comment