5 ARESTADO SA P6.8-M SHABU

NORTH Cotabato – Arestado ang lima katao sa ikinasang joint operation ng PNP at PDEA at nakumpiska ang tinatayang P6.8 milyong halaga ng shabu sa Purok 3, Barangay Poblacion, sa bayan ng Kapatagan, sa Lanao Del Sur, nitong Biyernes.

Kinilala ang mga arestado na sina Lenlem Ampaso, 41; Johary Macarao, 24; Amroden Adel, 23, pawang mga residente ng Lanao Del Sur; Proxy Rauring at Abdul Sawaf Rauring, parehong nakatira sa Lapu-Lapu City.

Isinagawa ang operasyon pasado alas-11:00 ng umaga ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Regional Office 10, PDEA Regional Office BARMM, Kapatagan MPS, PRO 10 Intelligence Division at PNP Special Operations Unit 6.

Ang ang mga suspek at ang nakumpiskang droga ay naiturn-over na sa PDEA Regional Office 10. (BONG PAULO)

123

Related posts

Leave a Comment