Suspek sa rape-slay napatay 3 PULIS ANTIPOLO NASA HOT WATER

ANTIPOLO CITY – Nasa hot water ang tatlong tauhan ng Antipolo PNP matapos mapatay ang suspek sa rape-slay na nang-agaw umano ng baril noong Linggo sa lungsod na ito.

Ayon sa ulat ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay PRO4A-RD BGen. Antonio Yarra, isinailalim sa imbestigasyon sina Staff Sgt. Leodegario Quinto, Pat. Kenji Singian at Pat. Rowan Dioquino, pawang nakatalaga sa Antipolo PNP bunsod ng “motu proprio” policy ng PNP kaugnay sa insidente.

Magugunitang napatay ng nasabing mga pulis ang suspek na si Ramcy Nerves, land caretaker, nang mang-agaw ng baril makaraang madakip ng mga awtoridad matapos mapatay ang mag-inang sina Anabella Tacuycuy, 51, at Ana Liezel Cillena, 19, nang tangkain umanong gahasain ang ginang sa bahay ng mga ito sa Sitio Kaysakat III, Brgy. San Jose, Antipolo. (ENOCK ECHAGUE)

152

Related posts

Leave a Comment