BUS BOMBER NAPATAY, 1 PA ARESTADO

NAPATAY ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang kasapi ng Daulah Islamiyah terrorist group  na responsable umano sa pagpapasabog ng ilang passenger bus sa area ng Cotabato at Maguindanao, sa isinagawang law enforcement operation kamakalawa ng umaga sa Purok 7, Barangay Dunguan, Mlang, Cotabato.

Ayon sa ulat ng Western Mindanao Command, napatay ang isang terorista at nahuli ang kanyang kasama sa sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng pamahalaan at hindi pa tiyak na bilang ng mga miyembro Daulah Islamiyah.

Kinilala ang napatay na si Monir Lintukan at ang nahuli ay si Randy Saro alyas “Bobong”, miyembro ng Daulah Islamiyah Maguindanao group.

Ayon kay 602nd Brigade commander Colonel Jovencio Gonzales, nagsagawa sila ng law enforcement operation, katuwang ang tropa ng 90th Infantry Battalion, 34th IB, 1st Scout Ranger Battalion, 4 JSOU at PRO-12 laban sa mga terorista na nagresulta sa pagkamatay ni Lintukan at pagkakadakip kay Saro. (JESSE KABEL)

182

Related posts

Leave a Comment