SUSPENSYON NG BSKE NIRATIPIKAHAN NG SENADO

NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang bicameral conference committee report kaugnay sa disagreeing provisions sa panukalang suspensyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sa December 2025.

Ayon kay Senador Imee Marcos, author at sponsor ng panukala sa Senado, nagkasundo ang dalawang kapulungan na ipagpaliban sa Nobyembre 2026 ang halalan.

Kasama rin sa inaprubahan ang pagtatakda sa apat na taon ang termino ng mga halal sa barangay at SK officials.

Nakasaad sa panukala na hanggang tatlong sunod na termino ang maaaring takbuhan ng mga barangay officials, habang isang termino lang ang itinatakda para sa SK.

Sinabi ni Marcos na marami mang humarang, sa huli’y nakinig din ang kinauukulan kasabay ng pagsasabing mahirap talaga para sa COMELEC kung itutuloy pa ang halalan ngayong taon.

Ikinatuwa rin ng senador ang katiyakan natuloy na ang eleksyon sa BARMM sa Oktubre.

(DANG SAMSON-GARCIA)

30

Related posts

Leave a Comment