BILANG bahagi ng ika-127 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, naghanda ang pamunuan ng Intramuros Authority ng iba’t ibang aktibidad partikular sa publiko na nais magbalik-tanaw noong late 18th to early 19th century.
Ayon sa Intramuros Authority website, nitong Huwebes ay mayroon silang Filipiniana Day, libre ang kahit sino na pumasok sa anomang gated attraction ng Intramuros basta nakasuot ang mga ito ng Filipiniana.
Kabilang dyan ang Fort Santiago, Casa Manila Museum, Baluarte de San Diego, at Museo de Intramuros – Centro de Turismo Intramuros.
Mayroon ding tranventures kung saan iikot sa buong Intramuros sakay ng tranvia.
Ang tranvia o tramvia ay ang sinaunang mass transport system sa lungsod ng Maynila.
Para sa mga nais naman ng mala teatrong aktibidad, may handog ang Intramuros na Guarnicion En Intramuros na isang pagsasadula ng mga Spanish military drills noong 19th century.
Makikisalamuha rin ang mga ito sa mga bisita sa pamamaraan noong ika-19 siglo.
Mayroon ding living museum activity na inihandog ang Intramuros kung saan ibabalik ka noong 19th century gamit ang attractive visuals and sounds.
Sa panghuli may handog na cultural show ang Philippine Barangay Folk Dance Troupe, ipakikita nito ang heritage ng bansa sa pamamagitan ng pagsasayaw.
(JULIET PACOT)
