MULING nagpapahiwatig ng posibleng pag-aalburoto ang Bulkang Taal makaraang makapagtala kahapon ng umaga ng tatlong pagyanig ng lupa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa kalatas ng Phivolcs, sinabi ng ahensya na nananatiling banta ang naturang bulkang huling sumabog nito lamang nakaraang Marso.
Sa kabila ng mga naitalang pagyanig at pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan, nananatili pa rin sa ilalim ng Alert Level 1 ang Taal.
Sa ilalim ng Alert Level 1, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone (PDZ) at maging ang paglalayag ng mga mangingisda sa lawing nakapalibot sa nasabing bulkan.
Babala pa ng Phivolcs sa mga residente, lubhang mapanganib sa kalusugan ng mga residente sa naturang lugar ang ibinubugang abo ng bulkang Taal. (PAOLO SANTOS)
