(NI BERNARD TAGUINOD) KINUMPIRMA ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na totoo ang P160 milyon ang pondo ng bawat kongresista na mas malaki sa P70 Million bago idineklara ng Korte Suprema noong 2013 na unconstitutional ang dating PDAF o priority development assistant funds. “Totoo yun,” ani ACT party-list Rep. Antonio Tinio sa kanilang press conference subalit nilinaw ng mga ito na hindi sila kasama sa nagkaroon ng nasabing pondo. Bukas (Biyernes) ay aaprubahan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report sa P3.757 trilyon pondo…
Read MoreTag: 2019 BUDGET
SUBPOENA KAY DIOKNO IPINADALA NA NI GMA
(NI BERNARD TAGUINOD) NILAGDAAN at naipadala na ni House Speaker Gloria Macapagal ang subpoena ang subpoena laban kay Departmet of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno. Sa kopya ng subpoena ad testificandum na inisyu laban kay Diokno, inaatasan ni Arroyo ang kalihim na dumalo sa pagdinig ng House committee on appropriation ngayong (Biyernes) ng umaga sa Batasan Pambansa. Ipinaalala ni Arroyo kay Diokno ang Section 13 ng Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation ng Kamara na may karapatan ito na asistehan ng abogado. “Failure to comply…
Read More2019 BUDGET OK NA SA SUSUNOD NA LINGGO
(NI ABBY MENDOZA) WALA nang dapat ipangamba na magkakaroon ng reenacted budget at walang gagastusin sa 2019 election dahil sa susunod na linggo ay maaprubahan na ang P3.757 trilyon na 2019 national budget. Ayon kay House Majority Leader Rep Fredenil Castro, nagkasundo na ang Kamara at Senado na ratipikahan ang 2019 budget. “Tatapusin na ng mga contingent ng Senado at Mababang Kapulungan sa bicam ang usapin upang ma-ratify ang bagong budget for 2019 bago mag adjourn ang Congress sa Miyerkules, February 6,” paliwanag ni Castro. Sinabi ni Castro na sa…
Read MoreSENATE VERSION SA BUDGET BINUSISI
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG binusisi ng Senado ang bersyon ng Kamara sa 2019 national budget, ganito rin ang gagawin ng mga kongresista sa Senate version. Inamin ito ni House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr., matapos maudlot ang tuloy-tuloy na pulong ng Senate at House continget sa Bicameral Conference meeting sa national budget na nagkakahalaga ng P3.757 Trillion. “They (Senate) review our version. We review theirs. Makapal po ang budget. Thousands of pages,” ani Andaya. Ginawa ng kongresista ang pag-amin matapos sabihin ni Sen. Panfilo Lacson na dapat ipinagpatuloy ang…
Read MoreDIOKNO ILULUBOG SA KINURAKOT
(Ni ABBY MENDOZA) UMARANGKADA na ang imbestigasyon ng House Committee on Rules sa mga mananomalyang alokasyon ng Department of Budget and Management(DBM) sa ilalim ng 2019 budget, sa Avenue Plaza sa Naga City sa pangunguna ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. Gaya ng inaasahan no-show sa pagdinig si Budget Secretary Benjamin Diokno na nagbakasyon sa bang bansa. Dumalo naman ang may ari ng Construction firm na si Consolacion Tubuhan Leoncio. Matatandaan na ang C.T Leoncio ang tinukoy ni Andaya na nakakuha ng malalaking flood control projects sa Sorsogon,Catanduanes,Samar,NCR,Pangasinan,Tarlac,Bulacan,Davao City,Camarines…
Read More2019 BUDGET SPECIAL DELIBERATION TINABLA NG SENADO
(Ni NOEL ABUEL) HINDI sumang-ayon ang mga senador sa kahilingan ni Budget Secretary Benjamin Diokno na magkaroon ng special session ang Kongreso upang mapabilis ang pagpasa ng mungkahing P3.757 trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa susunod na taon. Ayon kay Senador Panfilo Lacson, marami pang tatalakayin at bubusisiin sa badyet, kaya malabo ang ka-hilingan ni Diokno na ipinarating ni Executive Secretary Salvador “Bingbong” Medialdea sa Senado. Ani Lacson, hindi kaya ang special session kung ang layunin nito ay mapabilis ang pagpasa sa 2019 budget dahil may malalaking ahensya pa ang…
Read More