KONEKTADO SA SAYYAF; TESDA DIRECTOR ARESTADO

abusayyaf

(NI NICK ECHEVARRIA) INARESTO  ng pinagsanib na mga elemento ng PNP Region 9, sa pangunguna ng CIDG,  ang Provincial Director ng Technical Skills Education Authority (TESDA) sa Basilan, Martes ng umaga. Sa report ni P/Col. Tom Tuzon, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Force Unit 9, nakilala ang naarestong suspek  na si Muida Hataman, ng Barangay San Rafael, Isabela City ng nasabing lalawigan. Si Hataman ay nadakip alas-5:45 ng umaga sa kanilang barangay sa bisa ng isang search warrant kaugnay sa inilunsad na “Oplan Paglalansag Omega” ng PNP mula alas-4:10…

Read More

KALIGTASAN NG MGA TURISTA SA ZAMBO TINIYAK 

zamboanga city

(NI NICK ECHEVARRIA) MAHIGPIT na babantayan ng Police Regional Office 9 (PRO-9) ang lahat ng mga lokal at dayuhang turista na magtutungo sa kanilang rehiyon para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga ito. Siniguro ni P/BGen. Emmanuel Luis D Licup, Director ng PRO9 sa mga turistang darayo sa kanilang lugar  na ligtas ang mga tourist spots sa buong Zamboanga Peninsula para bisitahin. Katulong ang mga Local Government Units (LGUs) at Armed Forces of the Philippines ipinangako ng PRO9 na kaya nilang bigyan ng sapat na proteksyon ang mga turista…

Read More

ZAMBO ‘DI PA LIGTAS SA TURISTA – DU30     

duterte17

(NI BETH JULIAN) PINAIIWAS ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo sa Zamboanga ang mga turista para sa kanilang seguridad. Ayon sa Pangulo, hindi pa masasabing lubos na ligtas para sa mga turistang banyaga ang pagtungo sa Zamboanga dahil nananatili pa sa rehiyon ang banta ng ISIS-inspired Abu Sayyaf Group. Sa taumpati kagabi ng Pangulo sa PICC Pasay City, sinabi nito na hindi pa napapanahon ngayon na irekomenda ang pamamasyal sa Zamboanga dahil karamihan sa mga turista ay binibihag ng ASG at hinihingan ng ransom at ang masaklap ay kahit na…

Read More

SURGICAL AIRSTRIKE INILUNSAD SA KUTA NG 200 ASG

abu1

(NI JG TUMBADO) SUNUD-SUNOD ang isinagawang ‘surgical airstrike’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panibagong opensiba na inilunsad sa pinaniniwalaang kuta ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu Biyernes ng umaga. Ito ang inihayag ni Joint Task Force Sulu spokesperson Lt. Col. Gerald Monfort, kung saan ay nag-deploy sila ng air assets mula alas 6:40 ng umaga para atakihin ang pinaniniwalaang balwarte ng ASG sa bulubunduking bahagi ng Patikul. Ito ay makaraang makumpirma ng militar ang impormasyon na may nakakalat na mahigit 200 terorista sa lugar. Nakatanggap…

Read More

PINOY ASG, 5 ISIS NA ASYANO NASAKOTE SA MALAYSIA

malaysia1

(NI DAVE MEDINA) ARESTADO ang isang Filipino na pinaghihinalaang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa Malaysia dahil sa suspetsa  na kasama ito sa planong pagpapasabog sa nasabing bansa. Kasalukuyan ngayong nakadetine sa hindi binanggit na lugar ang hindi pinangalanang Pinoy terrorist na edad 21-anyos bilang bahagi ng security measures ng Malaysian Police. Kasama ng Abu Sayyaf member ang limang iba pang dayuhan sa mga inaresto sa hinala nang planong pagpapasabog; dalawang Malaysian at tatlong banyaga mula sa Singapore, Bangladesh, at isang South Asian country. Ang 21-anyos na terorista ay…

Read More

FOREIGN TERRORIST NA MISTER NG TAUSUG ‘BATA’ NG ASG

abu9

(NI JESSE KABEL) MAY isa pang banyagang  suicide bomber ang nagkakanlong ngayon sa kuta ng Abu Sayyaf  Group sa Sulu at nakapag asawa na umano ng isang babaeng Tausug, base sa intelligence  information na hawak ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año. Sinasabing tinututukan ngayon ng military at ng pulisya ang galaw ng hinihinalang foreign terrorist na maaring isang suicide bomber din na nagtatago sa kampo ng Abu Sayaff . Ayon kay Sec.  Año,  grupo ni Abu Sayyaf leader  Hajan Sawadjaan ang kasama ng nasabing Arab-looking…

Read More

ASG LEADER IDANG SUSUKAN PATAY SA OPENSIBA

idang7

(NI JG TUMBADO) KINUMPIRMA ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakasawi ni Abu Sayyaf Group sub-commander Idang Susukan matapos ang mas pinaigting na air at ground assault ng militar at pulisya laban sa mga terorista sa Patikul, Sulu noong February 2. Batay sa ipinahayag kahapon ni Asst. Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations at tagapagsalita ng AFP na si Brig. General Edgard Arevalo, February 4, araw ng Lunes ng malagutan ng hininga ang notoryus na ASG sub leader bunsod ng kumplikasyon mula sa tinamong mga…

Read More

FOREIGN TERRORIST PATAY SA SULU CLASH

sulu

LIMANG sundalo ang patay habang lima pa ang sugatan matapos ang dalawang oras na bakbakan sa pagitan ng government troops at mga hinihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu Sabado ng tanghali. Sinabi ni Col. Gerry Basana, spokesperson ng AFP Western Mindanao Command, kabilang sa namatay sa tropa ng terorista ang tatlo katao habang mahigit sa 15 ang sugatan kabilang ang ‘high value target’ sa ilalim ni Hatib Hajan Sawadjaan. Kabilang din umano sa napatay ang isang dayuhang terorista na kinilalang si Abu Black. Naganap ang bakbakan sa…

Read More

MILITAR , JOLO ‘BOMBERS’ NAGKASAGUPAAN

blast1

NAGKAROON ng sagupaan sa pagitan ng miyembro ng Ajang-Ajang ng Abu Sayyaf group na sinasabing nasa likod ng pagsabog sa Jolo cathedral noong Linggo ng umaga. Sa statement, sinabi ng Armed Forces Western Mindanao Command (Wesmincom) na nagkaroon umano ng bakbakan sa pagitan ng mga sundalo ng 1st Scout Ranger Battalion at may 20 miyembro ng Ajang-Ajang sa ilalim ng Macrin sa Barangay Latih, Patikul, Sulu, bandang alas-7:20 Huwebes ng umaga. Tumagal ng limang minuto ang bakbakan ayon sa Westmincom. Walang inulat na nasugatan sa panig ng militar. Hanggang Huwebes…

Read More