P6.9-B AYUDA SA MAGSASAKA TINIYAK SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ni Senador Imee Marcos na maipagkakaloob sa mga magsasaka ang tulong pinansyal sa mga ito bago matapos ang kasalukuyang taon. Sinabi ng senador na maibibigay ang dagdag na ayudang P6.9 bilyon sa pamamagitan ng pagbili ng palay o kaya ay cash na kukunin sa budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Siniguro ng senadora na hindi dapat mangamba ang mga magsasaka na mahaharang ang  ayuda ng ruling ng Korte Suprema na una nang naglimita sa mga mambabatas na maglaan ng pondo sa mga bagay na…

Read More

OFWs BIKTIMA NG LINDOL, AAYUDAHAN NG OWWA

(NI ROSE PULGAR) MAKATATANGGAP ng tulong pinansyal ang lahat ng mga overseas Filipino workers (OFW’s) na naapektuhan ng lindol mula sa pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Ayon sa OWWA, ang ibibigay na tulong pinansyal ay bunsod ng napagkasuduan ng board para mapabilis at  maipang-ayuda sa mga kababayang OFWs na napinsala ang mga ari-arian dulot ng lindol. Ang financial assistance ng OWWA ay makukuha ng mga aktibong miyembro nito. Panawagan ng ahensya  na agad makipag- ugnayan  ang OWWA members  na OFW sa pinakamalapit na tanggapan o sangay ng OWWA. Sinabi…

Read More

RED CROSS, AAYUDA SA BIKTIMA NG LINDOL

redcross12

(NI DANG SAMSON-GARCIA) INATASAN ni Senador Richard Gordon, chair ng Philippine Red Cross (PRC), ang lahat ng chapter nito na mag-mobilize at tumulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao. Kabilang sa mga inatasang tumulong ang PRC chapters sa South Cotabato, Cotabato City/Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato, Davao Del Sur, General Santos, at Davao City. Agad na nagpadala ang mga ito ng ambulansiya, rescue teams at emergency personnel sa mga apektadong lugar. Nag-deploy na rin ng assessment teams sa mga lugar na tinamaan ng lindol upang i-monitor ang sitwasyon. Ayon…

Read More

P1K MONTHLY AYUDA SA LAHAT NG SENIOR CITIZEN IKINAKASA

seniors44

(NI NOEL ABUEL) BIBIGYAN ng P1,000 kada buwan ang lahat ng senior citizens sa buong bansa sa sandaling maipasa ang panukalang inihain sa Senado. Ayon kay Senador Francis Pangilinan, dapat na pagkalooban ang lahat ng nakatatanda sa bansa ng dagdag na ayuda para magamit na dagdag panggastos ng mga ito. Nakapaloob sa inihain nitong Senate Bill 259, nais nitong amyendahan ang Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, sa dalawang pagkakaton. Inihalimbawa pa ng senador na dodoblehin ang buwanang pensyon mula P500 ay gagawing P1,000 at…

Read More

P20-B AYUDA SA NALULUGING FARMERS INIHIRIT

farmers55

(NI ESTONG REYES) HINILING ni Senador Francis Pangilinan na kaagad magpalabas ng P20 bilyon upang ayudahan ang naluluging magsasaka sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law. Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na lubhang naapektuhan ang mga lokal na magsasaka sa pagdagsa ng imported rice kaya dapat ayudahan sila ng pamahalaan. “Filipino farmers hurting from the deluge of imported rice should immediately get P20 billion emergency cash assistance from collected tariffs and unprogrammed funds under the Rice Tariffication Act, ayon kay Pangilinan. Sinabi ni Pangilinan na kailangan nang ipalabas ang cash relief…

Read More

DU30 KUNTENTO SA AYUDA SA BATANES QUAKE 

du30batanes33

(NI BETH JULIAN) KUNTENTO si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtugon ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan  sa lindol sa Batanes. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, naging mabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga naapektuhang residente. Agad na naibalik ang suplay ng kuryente noong Linggo gayundin ang linya ng komunikasyon habang nabigyan na rin ng suplay ng inuming tubig at pagkain ang mga residente. Maliban dito, mayroon nang P40 milyong halaga ang naibigay ng Pangulo para sa pagtatayo ng clinic o ospital sa Batanes. Nakatakda namang magtungo sa…

Read More

MGA BIKTIMA NG LINDOL, TUTULUNGAN NG PCSO

pcso12

(NI NICK ECHEVARRIA) HANDANG magbigay ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office  (PCSO), sa mga Local Government Units (LGUs) at sa bawat pamilya na naapektuhan ng 6.1 magnitude na lindol nitong Lunes sa ilalim ng Calamity Assisstance Program (CAP) nito. Layunin ng hakbang na palawigin ang resources ng mga LGUs sa pagbibigay ng mga pinansiyal na tulong sa bawat indibidwal at sa mga pamilya na tinatamaan ng mga natural at man-made calamities. Ayon sa PCSO, karapatan ng mga LGUs na biktima ng  kalamidad na humingi ng tulong sa kanilang tanggapan.…

Read More