MATAGAL nang suliranin ang malayang pamamahayag sa bansa. Panahon pa ng paghahari at kontrol ng imperyong Kastila sa Pilipinas mula Ika-16 na siglo hanggang Ika-19 na siglo ay isyu na ang malayang pamamahayag sa bansa. Noong panahon ng Kastila, totoong walang malayang pamamahayag sa Pilipinas. Isang kongkretong halimbawa rito ay ipinasara ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas ang pahayagang Kalayaan ng K.K.K. Hindi nagustuhan ng mga Kastila at pamunuan ng Simbahang Katoliko ang sobrang tapang at napakatalas na mga artikulo, tula at balitang inakda nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Pio…
Read MoreTag: Badilla Ngayon
SEN. POE: WAG PAHIRAPAN ANG MGA MANANAKAY
SAKSI ako sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe nitong Lunes. Unang naging paksa ni Poe kung saan siya mismo ang nagtanong kay Antonio Gardiola, hepe ng (TWG) ng Department of Transportation (DOTr), hinggil sa desisyon nitong ipatigil ang pilot test run ng motorcycle taxi. Simula sa susunod na linggo ay bawal nang mamasada ang mga motorcycle driver bilang motorcycle taxi riders ng Angkas, JoyRide at MoveIt, sapagkat ayon kay Gardiola, ay hindi sumusunod ang Angkas sa kagustuhan ng TWG. Ang pilot test…
Read MorePAG-ASA SA PNP TOP POST, LUMALABO KAY CASCOLAN
SI Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan ay isa sa tatlong kandidato upang maging hepe ng Philippine National Police (PNP). Ang dalawa pa ay ang “mistah’ niya sa Philippine Military Academy (PMA) ‘86 na si Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa na sa ngayon ay officer-in- charge ng PNP at si Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo, hepe ng PNP directorial staff. Si Eleazar ay miyembro ng PMA class ‘87. Nanganganib na masilat si Cascolan na maging PNP chief kapag nasilip ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang naging…
Read MoreDOF, DOE MAKUPAD SA IRR NG MURANG KURYENTE ACT
SAYANG ang “Murang Kuryente Act” kung hindi pa ito maipapatupad simula ngayong buwan bunga dahil sa kabagalan ng Department of Finance (DOF) at Department of Energy (DOE) na tapusin at ilabas ang implementing rules and regulation (IRR) ng nasabing batas. Alam naman nina DOF Secretary Carlos Dominguez III at DOE Secretary Alfonso Cusi na hindi maaaring ipatupad ang batas kung wala itong IRR. Noong Nobyembre 27 o 90 araw matapos maging ganap na batas ang Murang Kuryente Act ay dapat nagsimula na ang implementasyon ng batas na ito. Kaya, noong…
Read MorePROYEKTONG KALIWA DAM IPATIGIL
MAPALAD ang People’s Republic of China na ngayon ay nasa ilalim ng liderato ni Pangulong Xi Jinping sapagkat napakabilis nitong napasok ang mga estratehikong pangangailangan ng mamamayan ng bansang Pilipinas. Sa ngayon, nakapasok ang pamahalaan mismo ng China sa industriya ng telekomunikasyon at serbisyo-publikong tubig sa bansa. Sa larangan ng telekomunikasyon, kasosyo ni Dennis Uy ang pamahalaan ng China sa Dito Telecommunity Inc. Ang Dito ay siyang nanalong kumpanya bilang “third telco” sa bansa, una at pangalawa ang Globe Telecom ng pamilya Ayala at Smart Communications ng pangkat ni Manny…
Read MoreNAPAKASAYANG PASKO NG SMP (DAGUPAN)
IPINAGDIRIWANG namin bawat taon ang pagsasara ng taon at pagsalubong sa bagong taon sa Pangasinan (lalawigan ng aking maybahay). Syempre, napakasaya na magkita-kita, magsasamang muli at magdiwang ang angkan ng Toledo (apelyido ng maybahay ko noong dalaga pa siya) sa pagsasara ng 2019 at pagsalubong sa 2020. Sa pagpunta ng pamilya ko sa Pangasinan, nasaksihan ko rin ang pagdiriwang ng Pasko ng mga mangingisda sa lungsod ng Dagupan. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng Christmas party ang mga mangingisdang kasapi ng Samahan ng Mangingisdang Pantal (SMP). Matagal na ang mga maliliit…
Read MoreMAIPANALO KAYA NI SPEAKER CAYETANO ANG ABS-CBN LABAN KAY DUTERTE?
MABANGO ngayon ang pangalan ni Speaker Alan Peter Cayetano kahit napakapalpak ng kanyang pamumuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kaya palpak, apat na panukalang batas pa lang ang naipasa ng Mababang Kapulungan. Sa apat na nakarating kanyang panukala, dalawa ang naging batas na. Ito ay ang pagpapalipat ng halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa Disyembre 2022 mula Mayo 2020. Magandang batas ba ito?! Ang pangalawang naging batas ay ang proyektong Malasakit Center ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go. Maganda ang batas na ito, sapagkat pinabibilis nito ang pagseserbisyo ng…
Read MoreMAAYOS NA DISTRIBUSYON NG TUBIG ANG KAILANGAN
MATAGAL na panahong hinawakan ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ang distribusyon ng tubig sa Metro Manila at mga karatig lalawigan. Dahil pagpapabaya at korapsyon sa MWSS, umabot sa matinding krisis ang tubig noong panahon ni Fidel Ramos. Hindi tuluy-tuloy ang daloy ng tubig sa mga tubo ng MWSS patungo sa bawat bahay ng mga residente at kumpanya ng mga negosyante sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan noong panahon ni Ramos. Kaya, nagpasya si Ramos na isapribado ang distribusyon ng tubig. Nagsimula ang Manila…
Read MoreHAMON SA INTEL UNITS NG PDEA-NCR AT NCRPO
SADYA ba’ng mahina ang mga intelligence unit ng Philippine Drug Enforcement Agency–National Capital Region (PDEA–NCR) at National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Philippine National Police (PNP) o namimili sa mga tinitiktikan? Ito ang natural na tanong ng mga journalist kapag mayroon kaming nababalitaang estabilisimiyento na mayroong nagaganap na ilegal. Batay sa nakalap na impormasyon, sa Brgy. Poblacion sa Lungsod ng Makati ay mayroong establisimiyentong ‘pugad’ ng ecstasy. Ang establisimiyentong ito (na itatago muna natin ang pangalan) ay regular umanong nagaganap ang kasiyahan ng mga taong pumupunta rito. Masayang-masaya ang mga…
Read More