11.8 DEGREES NA LAMIG NAITALA SA BAGUIO CITY

cold

(NI ABBY MENDOZA) UMABOT SA  11.8 degree celsius ang temperatura sa Baguio City, nitong Lunes, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa alas 6:00 ng umaga naitala ang mababang temperature. Asahan pa na sa mga susunod na araw hanggang papalapit ang araw ng kapaskuhan ay lalamig pa ang klima. Ang peak ng cold weather sa Baguio ay inaasahan pagsapit ng buwan ng Enero hanggang Pebrero. Matatandaan na noong Enero 28 naitala ang 9.8 degree habang Enero. 18, 1961 naitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio…

Read More

MAGALONG BIBIGYAN NG SEGURIDAD NI ALBAYALDE

(NI AMIHAN SABILLO) HANDANG pagkalooban ng seguridad ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen Oscar Albayalde si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung nag-aalala ito na may panganib sa kanyang buhay. Ayon kay Albayalde, kontrolado ni Mayor Magalong ang buong Baguio City Police, pero kung gusto niya ng sariling security detail ay maari naman itong mag request sa Police Security Protection Group o sa kanya mismo. Sinabi pa ni Albayalde, alang-alang sa pagmamahal sa bansa at bilang isang professional soldier, ay handa siyang pagbigyan si Magalong kung hihingi ito ng…

Read More

WALANG PAGTAAS SA PRESYO NG GULAY –DA

frost200

PINAWI ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng konsyumer  na walang pagtaas sa presyo ng gulay sa harap ng nagaganap na ‘frost’ sa mga gulay sa ilang bahagi ng Luzon. Sinabi ng DA na kahit pa nasisira ang mga gulay, hindi naman umano ito lubos na nakaapekto sa pangkalahatang supply. Nagbabala rin ang DA sa mga biyahero o middleman na huwag samantalahin ang mga mamimili sa pagsabing ang sobrang lamig sa Baguio ang dahilan ng pagtaas ng halaga ng gulay. Nagkakaroon ng frost kapag nababalot ng namumuong yelo dahil…

Read More

9°C NA LAMIG NAITALA SA BAGUIO CITY

baguio

(NI ABBY MENDOZA) UMABOT sa 9.8 degree celsius ang temperatura sa Baguio City, ang pinakamalamig na naitala ngayong taon. Ayon sa report ng Philippine Atmosphetic Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) alas 5:30 ng madaling araw nang maitala ang 9.8 degree celsius sa kanilang Synoptic Station sa Baguio City. Ito ang siya nang pinakamalamig na naitala ng Pagasa mula nang ideklara ang panahon ng hanging Amihan noong Oktubre 2018. Matatandaan na noong Enero 22 ay pumalo sa 10.4 degree celsius ang temperatura sa summer capital. Aminado ang PAGASA na magtatagal…

Read More

P2-M SA MAKAPAGTUTURO NG MARIJUANA PLANTATION

marijuana

UPANG maengganyong magturo sa mga marijuana plantation sites, magbibigay ng P2 milyong pabuya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera sa a mamamayan na makiisa sa kampanya laban sa marijuana. Sinabi ni Atty. Joseph Frederick Calulut, ng PDEA-Cordillera, magpapatuloy ang reward system ng ahensiya para matunton ang mga plantation site na kadalasan ay nasa mga liblib na lugar ng Baguio. Magiging confidential umano ang lahat ng pagkakakilanlan ng impormante. Noong nakaraang taon ay tatlong informants umano ang binigyan ng reward ng Cordillera matapos ituro ang tagong plantation site. 170

Read More