BATOCABE KILLERS NAAMBUNAN SA P20-M REWARD MONEY NI DU30

batocabe

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGKA-REWARD pa ang mga suspek sa pagpatay kay dating Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe noong nakaraang taon. Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on public accounts na pinamumunuan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor hinggil sa kaso ni Batocabe. Kasabay nito, nilinaw ni Defensor na walang nawawalang reward money matapos ang kanilang executive sessions. Sa open hearing ay napag-usapan ang reward money, partikular na ang P20 Million na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte. “Accounted ang P35 Million,” paglilinaw ni Defensor matapos ipaliwanag sa kanilang…

Read More

P1M PABUYA ALOK NI DUTERTE VS 4 POLICE KILLERS

cops55

(NI BETH JULIAN) NAGLABAS ng P1 milyong pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte  sa sinumang makahuhuli sa mga mastermind, perpetrators, at main shooters sa apat na pulis sa Negros Oriental. Ito ang inihayag ng Pangulo nang personal niyang puntahan at makiramay sa naulilang pamilya ng apat na pulis na nasawi matapos tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Mabato, Ayungon, Negros Oriental noong Huwebes. Sa command conference na isinagawa na pinangunahan ni Duterte, kasama ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, napag-usapan…

Read More

P2-K PABUYA SA P5-M ‘FLOATING COCAINE’ MALIIT

cocaine22

(NI JUN V. TRINIDAD) NAGBABALA ang kapulisan na huwag matukso ang mga makapupulot ng floating cocaine na ibenta ito sa mga drug supplier kung ayaw nilang masira ang kanilang buhay. Ito ay matapos makarating sa mga opisyal na nagrereklamo ang mga residente, partikular ang mga  mangingisda sa liit ng pabuya na natatanggap kapalit ng napupulot na cocaine sa karagatan o baybaying dagat. Nabatid na sa bawat isusurendet na pakete ng cocaine na nagkakahala ng hindi bababa sa P5 milyon ay isang sakong bigas o may halagang P2,000 lamang ang ibinibigay…

Read More

GUNMAN NI BATOCABE ETSAPUWERA SA REWARD

bato

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI kasama sa makikinabang sa reward money ang mga bumaril at pumatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at ng kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz. Inihayag ito ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez matapos i-turn-over ang P8 million sa P13 million mula sa mga kongresista, kay Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde Miyerkoles ng hapon. “Hindi kasama ang bumaril kay Congressman sa bibigyan ng reward money,” ani Benitez na ang tinutukoy ay ang umaming bumaril at nakapatay kay Batocabe na si…

Read More

P2-M SA MAKAPAGTUTURO NG MARIJUANA PLANTATION

marijuana

UPANG maengganyong magturo sa mga marijuana plantation sites, magbibigay ng P2 milyong pabuya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera sa a mamamayan na makiisa sa kampanya laban sa marijuana. Sinabi ni Atty. Joseph Frederick Calulut, ng PDEA-Cordillera, magpapatuloy ang reward system ng ahensiya para matunton ang mga plantation site na kadalasan ay nasa mga liblib na lugar ng Baguio. Magiging confidential umano ang lahat ng pagkakakilanlan ng impormante. Noong nakaraang taon ay tatlong informants umano ang binigyan ng reward ng Cordillera matapos ituro ang tagong plantation site. 26

Read More

REWARD AABOT NG P30 MILYON VS BATOCABE KILLERS

BATOCDABE

(NI BERNARD TAGUINOD) POSIBLENG umabot sa P30 milyon ang reward money o patong sa ulo ng mga pumatay at nagpapatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at sa kanyang bodyguard na si SPO1 Orlando Diaz. Ito ang kinumpirma ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., matapos maglaan ang kanilang partido ng P15 milyong reward habang  dalawang milyon naman ang ibibigay ng probinsiya ng Albay. Sa ngayon, ayon kay Garbin, umaabot na sa P25 milyon ang reward money kasama ang P5 milyon na ambagan ng may 153 congressman/women na…

Read More

P5-M NA REWARD SA KILLER NI BATOCABE

reward

(NI BERNARD TAGUINOD) Umaabot na sa P5 milyon ang nalikom mula sa ambagan ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa reward para sa mabilisang paghuli sa mga pumatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at ng kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz. Ito ang kinumpirma mismo ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez at posibleng madagdagdan pa ang nasabing halaga dahil hindi pa nakokontak ang ibang miyembro ng Kamara. “As of now 153 Congressmen/women na ang nag-ambag kaya P5 Million na ang nalikom na bounty money,”…

Read More