63K POSISYON SA DEPED, BAKANTE

deped

(NI BERNARD TAGUINOD) TAMBAK na ang posisyon sa Department of Education (DepEd) na ayaw lagyan ng tao ng ahensya kaya lalong nahihirapan ang public school teachers dahil gumagawa ang mga ito ng ibang trabaho bukod sa pagtuturo. Ito ang reklamo ni ACT party-list Rep. France Castro matapos matuklasan na umaabot na sa 63,035 ang plantilla position sa DepEd ang hindi nilalagyan ng mga tao. Sa nasabing bilang, 12,206 dito ay para sa  non-teaching positions, 41,510 para sa teaching positions at 9,319 ay para naman sa teaching related positions, subalit hindi kumukuha…

Read More