Kamakailan ay nailathala ko na sa aking kolum ang isang panawagan mula sa HSW o household service worker sa Abha, Saudi Arabia na itinago ko sa pangalan na A. Guinto na deployed ng Saint Rosalia Recruitment Agency. Ito ay ang sumbong na siya ay minomolestiya ng kapatid ng kanyang employer. Si A. Guinto ay nakailang beses na nagpalipat-lipat ng employer at sa ikatlong employer niya naranasan ang pagmomolestiya, kung kaya siya ay humingi ng saklolo upang mailigtas siya at makauwi na lamang sa Pilipinas. Dahil sa aking panawagan ay nakuha…
Read MoreTag: BANTAY OFW
PACIFIC E-LINKS TINATAWAGAN NG PANSIN; ALLIED INT’L MANPOWER SERVICES TUMUGON SA PANAWAGAN
Tumugon na sa ating panawagan na mabilis na mapauwi ang apat (4) na OFW na nasa Al Madinah, Saudi Arabia. Naisulat natin sa nakaraang column ang pagdurusa nina Gina Lanasa, Nasrene Pahuyo, Jonalyn Formalejo at Elma Coralde na pilit na pinagtrabaho bilang cleaner sa King Fish Restaurant sa KSA Al Madinah Al-Munarawa Al Hijrah Road. Ang apat nating OFW ay hindi binabayaran ng kanilang sweldo at hindi binigyan ng sapat at maayos na tulugan dahil sila ay natutulog lamang sa loob ng maliit na kuwarto sa mismong restaurant na kanilang…
Read MoreARABONG MAY-ARI NG ALLIED INTERNATIONAL MANPOWER SERVICES, WALANG MALASAKIT? POEA AT OWWA TINATAWAGAN NG PANSIN
Nakatanggap ako ng sumbong mula sa apat nating mga kabayani na sina Gina Lanasa, Nasrene Pahuyo, Jonalyn Formalejo at Elma Coralde na nasa Al Madinah, Saudi Arabia. Silang apat ay dineployed ng Allied International Manpower Services Inc. na pag-aari pa naman din ng isang Saudi national na si Salman Al Swelem. Ayon sa sumbong ng apat na kabayani ay ni-recruit sila ng nasabing ahensya bilang kasambahay, ngunit pagdating nila sa Saudi Arabia ay ginawa silang cleaner sa King Fish Restaurant. Ang masaklap sa kanilang dinaranas ay hindi sila binibigyan ng sweldo sa…
Read MorePAG-AASAWA NG IBANG LAHI, SAGOT NGA BA PARA SA BIGLAANG PAG-ASENSO?
Tatlo lamang ang malimit na dahilan ng mga OFW kaya sila ay nag-a-abroad. Una, pa-ra mapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Ikalawa, para magkaroon ng munting negosyo at ang ikatlo ay ang magkaroon ng sari¬ling tahanan. Malimit sa mga pro¬binsya ay sobrang hinahangaan at tinitingala ang mga OFW na umuuwi na may magandang tahanan at ilan sa mga dahilan ay dahil sa nakapag-asawa ng ibang lahi. Dahil sa nakitang pag-asenso ng kanilang kapit-bahay o kamag-anak, kung kaya naeengganyo na rin sila upang makapag-abroad at ang malimit na biruan ay…
Read MorePINAY DH MINOMOLESTIYA, SAINT ROSALYA RECRUITMENT AGENCY TINATAWAGAN NG PANSIN
Nagpadala ng sumbong at paghingi ng saklolo sa pamamagitan ng Bantay OFW mobile app at pati na rin ng kanyang video si A. Guinto na isa nating kabayani na nasa Abha, Riyadh, Saudi Arabia. Ayon sa kanya ay siya ay nakarating sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng Saint Rosalya Recruitment Agency at ang kanyang ahensya sa Saudi Arabia ay ang Abdulla Abo Alamah Recruitment. Sa kanyang salaysay ay sinabi niya na “Andito po ako sa Sab Alahi Abha Riyadh. Ako po ay hinihipuan ng kapatid na lalaki ng amo kong…
Read MoreNAPTRON INTERNATIONAL PLACEMENT AGENCY AT HAPPY WORLD HUMAN RESOURCES TINATAWAGAN NG PANSIN
NAKATANGGAP ako ng sumbong mula sa ating AKOOFW-Bantay OFW mobile apps mula sa ating kabayani na si Maila K. Maguid. Siya ay nakarating sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng Naptron International Placement Agency. Ayon kay Maguid ay “Tapos na po ang kontrata ko hindi pa rin po ako pinapauwi ng amo ko. Kahit po sinabi ko na namatay ang asawa ko hindi pa rin po nila ako pinapauwi. Maghintay daw po ako ng kapalit ko pero hanggang ngayon wala pa pong dumarating na papalit sakin. Pinapaasa lang ako. Sana po ay…
Read MoreOFW PINAGTATANGKAANG GAHASAIN, HUMIHINGI NG SAKLOLO; TALENTSPHERE INC. TINATAWAGAN NG PANSIN
LABIS-LABIS na pakiusap at pagmamakaawa ang laman ng sulat na aking natanggap mula sa itatago natin sa pangalan na R.G. Duran na isang household service worker na nasa Al Banda, Yanbu, Saudi Arabia. Siya ay nakarating sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng isang ahensya na Talentsphere Inc. Ayon sa kanyang sumbong ay: “Gusto akong gahasain ng lalaking pamangkin ni madam, tinatanong ako kung marunong daw ako makipag-sex. Sa una binalewala ko lang ang tanong n’ya, 3x akong tinanong n’ya. Noong sinabi ko na ‘hindi ko alam sinasabi mo,’ kumuha siya…
Read MoreBANGKAY NG OFW MAIUUWI NA; ATNU DAPAT BUMISITA SA MGA OSPITAL
NakatanGgap ako ng tawag mula sa nakababatang kapatid ng yumaong si Rizalin Lipalam na si Jefrey Canada. Humihingi siya ng tulong upang mapauwi na ang bangkay ng kanyang ate na namatay dahil sa vehicular accident sa Jeddah, Saudi Arabia. Kasama rin sa namatay ang anak ng kanyang employer noon pang Enero 2019. Si Rizalin ay nakarating sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng LNS International Manpower at nagtatrabaho bilang household helper. Agad akong nakipag-ugnayan kay Consul General Ed Badajos at mabilis namang nagbigay ng update: “We received the documents from the…
Read MoreSALAMAT SA THE MEDICAL CITY SL, OFW DISCOUNT MALAPIT NA PARA SA TAGA-REGION 4A
Simula pa noong Marso 13 ay naka-confine na ako sa The Medical City South Luzon, sa Sta. Rosa, Laguna. Ito ay dahil sa aking inindang sakit sa kanang tagiliran ng aking katawan na ang sanhi pala ay ang pagkakaroon ko ng bato sa aking Gall bladder. Isinulat ko ito bilang paalala sa ating mga OFW na maging maingat sa ating mga kinakain, dahil matapos ko na mailathala na ako ay nasa ospital dahil sa Gall Bladder Stone ay marami agad ang nagpadala ng mensahe sa akin na ang aking naramdaman…
Read More