MULA LOBO, BATANGAS PATUNGO SA MALACAÑANG PARA TUMULONG SA ISANG OFW

BANTAY OFW

Mula sa bayan ng Lobo, Batangas lulan ng kanyang tricyle ay personal na dumulog sa aking tahanan sa Sta. Rosa, Laguna ang ating AKOOFW National President na si Junn Felix Landicho upang idulog ang sinapit ng isa niyang kapitbahay na isang OFW sa Riyadh. Personal na nakiusap si Konsehal Junn Felix Landicho na aking mailapit sa Presidential Action Center sa Malacañang ang kaso ni H. C. Ramirez na kasalukuyang nakapiit sa Hair Jail sa Riyadh. Ayon sa kanyang salaysay sa akin ay nag-abroad si Ramirez sa tulong ng Dominion Overseas…

Read More

HANDA KA NA BA TALAGA NA MAG-ABROAD? 

BANTAY OFW

Sa pagkakataong ito ay akin namang bibigyang daan ang isang liham ng isang Kabayani na si Rona Nabio Prudente. Kanyang ibinahagi ang karanasan at kung paanong ang kanyang inaakalang magandang daratnan sa ibang bansa ay naging kaiba sa kanyang naranasan. Tulad nga ng aking laging nababangit sa ating Bantay OFW Teleradyo, marami ang nahihikayat na mga kababayan na mag-abroad dahil sa inaakala nilang masarap ang buhay, maraming pagkain, maraming mansanas at tsokolate at malamig ang bahay na pagtatrabahuhan dahil lahat ay airconditioned. Subalit, sa kanilang pagdating sa bansang kanilang pagtatrabahuhan…

Read More

PANAWAGAN SA STARBORNE INTERNATIONAL PROMOTIONS & MANPOWER CORP.

BANTAY OFW

Nakatanggap ako ng sumbong at pakiusap mula sa kapwa advocate na si Bro. Art mula sa Kuwait. Inihihingi n’ya ng tulong si Marielle Kris Lampon Martos na deployed ng Starborne International Promotions & Manpower Corp. Ayon kay Marielle Martos, dumating s’ya sa Kuwait noong October 26, 2018 bilang isang household worker. Ayon sa kanyang sumbong ay siya ay hina-harass at ibebenta pa ng kanyang employer at ‘di rin s’ya pinapakain nang sapat. Heto po ang kanyang buong salaysay: “One week ago nagreport na po ako sa aking agency kay ma’am…

Read More

BUREAU OF IMMIGRATION DAPAT DING MANAGOT SA MGA ISYU NG HUMAN TRAFFICKING

BANTAY OFW

SUNUD-SUNOD na ulat na pagkaka-rescue ng mga Trafficking In Person sa Jordan at kabilang dito ang napaulat na bibitayin sa Saudi Arabia. Si Juhra Pusalan Adjaraman na una nang napaulat na nawawala sa bansang Jordan. Sampung taon na ang lumipas noong siya ay umalis ng Pilipinas at sa loob ng sampung taon na ‘yon ay hindi s’ya nakausap o naputol ang komunikasyon n’ya sa kanyang pamilya. Kamakailan ay iniulat ng Philippine Overseas Labor Office, OWWA at Philippine Embassy na kanilang natagpuan at nasa kanilang pangangalaga ang ngayon ay 20-anyos na…

Read More

MMML RECRUITMENT SERVICES TINATAWAGAN NG PANSIN

BANTAY OFW

Kamakailan, ako ay nakatanggap ng sumbong at paghingi ng tulong mula sa ating kabayani na sina Edna Tampos at Rachelle Tapanan. Si Edna Tampos ay nakarating sa Kuwait sa pamamagitan ng MMML Recruitment Services noong Setyembre 21, 2017. Ayon sa kanyang ipinadalang sumbong sa Bantay OFW mobile apps, siya diumano ay sinasaktan o binubugbog ng kanyang mga alaga at kamakailan ay pinagbibintangan pa na nagnanakaw ng gamit ng kanyang amo na mariin niyang pinasisinungalingan. Hinihiling niya sa akin na tulungan siya na makara­ting sa Philippine Embassy upang siya ay makauwi…

Read More

BIONIC MANPOWER SERVICES, HINDI BIONIC-WOMAN ANG INYONG WORKER

BANTAY OFW

Isang sumbong at pakiusap ang ating natanggap sa ating BANTAY OFW monitoring center mula kay Marily Alisir na dineploy ng Bionic Manpower Services sa Saudi Arabia. Heto ang kanyang buong mensahe na ipinarating sa atin. “Magandang hapon po sa lahat ng bumubuo ng AKOOFW at Bantay OFW. Ako po si Marily Alisir ng Saudi Arabia. Iba lang ang gamit kong celfone dahil hindi kasi ako allowed mag-cellphone.  Nagtatago lang ako. Hindi alam ng employer ko na may cp ako. Sana po ay matulungan n’yo ‘ko. Finish contract na po ako…

Read More

PONDO NG MGA OFW SA OWWA, HUWAG IPAGAMIT SA POLITIKO

BANTAY OFW

Maraming mga Filipino community leaders ang nagbigay ng negatibong reaksyon sa napanood na live stream ng Facebook account ng Ormoc City government na kung saan ay iniaabot ni Ormoc Mayor Ri­chard Gomez sa isang seremonya sa loob ng kanyang tanggapan ang tseke na nagkakahalaga ng P20,000 para sa mga distressed workers sa ilalim ng OWWA Reintegration program. Marami ang naniniwala na ang ginawang ito ni Mayor Richard Gomez ay isang pamumulitika gamit ang pondo ng OWWA na mga kontribusyon naman ng mga OFW. Kagawian na kasi ng mga politiko na…

Read More

PANAWAGAN SA GLOBAL ASIA ALLIANCE AT JOBSMANILA iNT’L INC.

BANTAY OFW

ISANG sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng ating Bantay OFW Monitoring Center ang aking natanggap mula kay Julius Reales na nasa Al Khobar Saudi Arabia. Ayon sa sumbong ni Julius Reales “wala sa tamang oras ang sweldo ko at tatlong buwan nang delayed ang aking sweldo”. Si Julius ay may pamilyang umaasa sa kanya na may regular na pangangailangan. Ang pagpalya o delayed na sweldo ay mangangahulugan ng pagkukulang sa araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya. Kaya siya ay nanawagan sa kanyang ahensya na Global Asia Alliance Consultants, Inc. na…

Read More

MASAHISTA GINAWANG PROSTI SA KUWAIT

BANTAY OFW

Lubhang nakakabahala ang ating natanggap na sumbong sa ating Bantay OFW Monitoring Center. Ito ay nagmula sa itatago nating pangalan na  Randy. Ayon sa impormasyon na ating natanggap na ipinadala ni Randy. Siya ay nakarating sa Kuwait sa pamamagitan ng Trans Overseas Manpower Services Inc. Ayon sa maikling salaysay ni Randy ay “Isa po akong masahista rito sa Kuwait. Pero hindi po ‘yan ang trabaho na inaplayan ko sa Pilipinas. Pagdating ko po rito ay ginawa po akong masahista. Sir, hindi ko po kaya ang trabaho ng isang masahista rito,…

Read More