(NI JEDI REYES) PINAGBAWALAN na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na opisyal na magbiyahe sa panahon na may bagyo, kalamidad o iba pang emergency. Sa ipinalabas na memorandum ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ipinawalang-bisa niya ang lahat ng aprubado nang biyahe at “leave of absence” ng mga lokal na opisyal sakaling may maganap na natural o man-made disaster. Diin ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, layon ng direktiba na matiyak ang presensya ng mga local chief executive sa panahon ng kalamidad…
Read More