LIBRO PINABUBUKSAN NG SOLON P50-B BUWIS ATRASO SA BIR NG POGO

KAILANGANG gamitin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang kapangyarihan para buksan ang libro ng mga Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) operators sa bansa upang matigil na ang panloloko ng mga ito sa buwis. Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran ang nasabing pahayag matapos mabuko sa pagdinig ng Senado kamakailan na umaabot sa P50 Billion withholding at franchise tax ang atraso ng mayorya sa 60 lisensyadong POGO sa Pilipinas. May hinala si Taduran na ang nasabing halaga ay para sa taong 2019 lamang at posibleng mas malaki pa…

Read More

CUSTOMS  PINAGPAPALIWANAG SA MABABANG KOLEKSYON NG BUWIS

customs

(NI ABBY MENDOZA) DISMAYADO si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa mababang koleksyon ng Bureau of Customs(BoC) sa nakalipas na 10 buwan na umabot lamang sa P535 bilyon kumpara sa target na P571 bilyon. Ayon kay Salceda, dapat habulin ng BoC ang P35.7B na kulang sa revenue collection. Mayroon pa umano silang nalalabing isang buwan para makuha ang target na koleksyon. Partikular na pinatututukan ng mambabatas ang smuggling at ang pagbabantay sa mga excisable products o mga produktonbg binubuwisan pagpasok ng bansa. Pinababantayan din ni Salceda ang…

Read More

BIR KINALAMPAG SA KAPOS NA P104-B TAX COLLECTION

bir18

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAGPAPALIWANAG ng House committee on ways and means ang Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil mistulang kakapusin ang mga ito ng P104 bilyon sa kanilang tax collection. Ito ang nabatid kay Albay Rep. Joey Salceda matapos matuklasan na noong Oktubre ay umaabot pa lamang sa P1.7 Trillion ang kanilang koleksyon mula sa kanilang target na P2.32 Trillion. Dismayado si Salceda dahil kahit umiiral na ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay hindi pa rin makolekta ng BIR ang kanilang target na buwis. “The Committee requested…

Read More

GMA7, PDI, 10 PA KINASUHAN NG P23.48M TAX EVASION

bir18

(NI ABBY MENDOZA) KINASUHAN ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue(BIR) ang top executives ng GMA 7 na si Felipe Gozon at Philippine Daily Inquirer (PDI) News Website President Paolo Prieto dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa P23.48M mula sa kanilang binuong internet publishing company na INQ7 Interactive Inc. Ayon sa BIR, nagsara na noong 2006 ang nasabing kumpanya nang magtapos ang partnership ng GMA 7 at PDI subalit hindi naman nagbayad ng buwis ang mga ito. Maliban sa GMA at PDI, ay 10 iba pang…

Read More

UNANG TAX-DODGING POGO IPINASARA NG BIR

(NI JOEL O. AMONGO) IPINASARA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamamagitan ng kanilang Task Force POGO ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) service provider na matatagpuan sa Subic Freeport, Eastwood, Quezon City at Aseana City, Paranaque. Kabilang sa mga pinadlock kahapon ay ang mga opisina ng Great Empire Gaming and Amusement Corporation (GEGAC) sa mga nabanggit na mga lugar. Ang pagpapasara sa nasabing kompanya ay pagtupad sa direktiba mula kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez. Ang POGO service provider ay ipinasara dahil sa paglabag…

Read More

P168-M TAX EVASION ISINAMPA VS MISIS NG KAPA FOUNDER

kapareyna55

(NI HARVEY PEREZ) SINAMPAHAN ng kasong P168 milyon tax evasion case  sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang misis ni  Kapa Community Ministry International founder Joel Apolinario. Sa reklamo ng BIR, nabigo umano si  Reyna Apolinario,  Kapa corporate secretary na magbayad ng tamang income tax na P163.9 milyon noong 2017 at P4.3 milyon noong 2018. Nabatid din sa BIR na hindi nakapaghain ng income tax returns (ITR) mula noong 2013-2015  si Reyna o nagsumite ng  ITR noong  2017 at 2018, kung saan nagbayad ng  P172,100…

Read More

SUSUNOD NA: BIR EXAMINERS LAGOT KAY PDU30 

bir18

(NI BETH JULIAN) ISUSUNOD nang lilinisin ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa talamak na corruption ang Bureau of Internal Revenue (BIR). Ayon kay Duterte, may mga corrupt na examiners sa BIR na nakikipagsabwatan sa mga kompanya para mandaya sa  pagkwenta ng mga binabayaran nilang buwis. Sinabi nito na dapat ay silipin ang gross income ng mga kompanya at hindi ang net income kung saan nakaltas na ang buwis. Kasabay nito, muling nangako ang Pangulo na hindi sya hihinto hanggang sa mapuksa ang katiwalian sa bansa. Babala ng Pangulo, kapag may…

Read More

PAGCOR SA POGO HUB KINAMPIHAN SA KAMARA

pogohub33

(NI BERNARD TAGUINOD) SINUPORTAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso  ang plano ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na magkaroon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub upang masiguro na walang Chinese nationals na nagtatrabaho ng iligal. Ginawa ng mga kinatawan ng ACT-CIS party-list group na sina Reps. Nina Taduran, Eric Yap at Jocelyn Tulfo ang nasabing pahayag sa gitna ng kontrobersya sa POGO na pinatatakbo ng mga Chinese nationals. Base sa mga ulat, nais ng PAGCOR na ilagay lang sa isang lugar ang POGO hindi tulad ngayon na kalat-kalat ang…

Read More

2 OPISYAL NG BIR HULI SA P75-M EXTORTION

bir1

(NI HARVEY PEREZ) ARESTADO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation -National Capital Region (NBI-NCR) at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang dalawa sa apat  opisyal ng Bureau of Internal Revenue-Revenue District Office Pasig  na sangkot sa P75 milyon pangingikil sa isang malaking telecommunication company,  sa isang hotel sa Quezon City. Kinilala ni NBI Director Dante Gierran  ang mga naarestong suspek na sina Alfredo Pagdilao Jr. at Agripina Vallestero, pawang empleyado ng BIR-RDO Pasig. Samantala, pinaghahanap pa ng NBI ang mga kasabwat nilang empleyado ng BIR na sina  Rufo Nanario at…

Read More