PINOY NA P250-K KITA KADA TAON, LIBRE NA SA ITR

bir1

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na kailangang pumila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga Filipino na kumikita ng P250,000 kada taon o mas mababa dito para maghain ng kanilang Income Tax Return (ITR). Ito ang nilinaw ni House committee on banks and financial intermediaries chair Henry Ong, kaugnay ng obligasyon ng mga Filipino na maghain ng kanilang ITR taun-taon. Sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, libre sa buwis ang mga Filipino na kumikita lamang ng P250,000 kada taon kaya hindi na kailangang maghain ang mga ito…

Read More

AMNESTY SA TAX DELINQUENTS UMPISA SA APRIL 24

bir18

(NI JEDI PIA REYES) SISIMULAN na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Abril 24 ang pagbibigay ng amnestiya sa mga delingkuwente sa pagbabayad ng buwis. Kasabay nito ay hinihimok ng BIR ang publiko at mga kumpanya na samantalahin ang amnestiya upang malinis ang kanilang rekord sa ano mang pagkakautang at kaso. Ang pagbibigay ng amnestiya ay alinsunod na rin sa Republic Act 11213 or ang Tax Amnesty Act of 2019 na sumasakop sa lahat ng national taxes tulad ng capital gains tax, documentary stamp tax, donor’s tax, excise tax,…

Read More

P86-B NAKOLEKTA NG BIR SA TRAIN ACT

tony lambino12

(NI BETH JULIAN) PUMALO na sa P86 bilyon ang nakolekta ng pamahalaan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act para sa taong 2018. Mas mataas ito ng 108.1 percent kumpara sa target na P63.3 bilyon na TRAIN revenue collection sa 2018. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Finance Asst. Secretary Tony Lambino, kung performance ng TRAIN revenue ang pag uusapan, magagawa nitong lampasan ang itinakdang target collection kung saan malaking bahagi rito ay nagmula sa tax, documentary stamp at buwis mula sa tobacco products. Samantala…

Read More

PAGBABAYAD NG TAX WALANG EXTENSION

bir18

(NI BETH JULIAN) PAALALA sa mga tax payers. Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na wala itong itinakdang extension para sa pagbabayad ng buwis. Sa press briefing sa Malacanang, hinikayat ni BIR spokesperson Atty. Marissa Cabreros ang publiko na agad na magbayad at huwag nang hintayin pa ang deadline sa April 15 bago magbayad ng buwis Ayon kay Cabreros, ngayon pa lamang ay dapat nang tiyagain ng publiko ang pagtungo at pagpila sa mga BIR office para makapagbayad upang maiwasan ang mahabang pila. Babala ni Cabreros na kapag nahuli…

Read More

HIGIT 100-K FOREIGN WORKERS SA POGOs BUBUWISAN NA

dofbir12

(NI BETH JULIAN) ISASAPINAL na ng gobyerno ang listahan ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs). Ito ay para mabilis nang makakolekta ng nasa mahigit P22 bilyong income tax sa kanila kada taon. Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ilang mga dayuhan ang nagtatrabaho sa bansa. Pero sa tantya ng Department of Finance (DoF), posibleng umabot ito sa mahigit 100,000. Iniutos na rin ni Dominguez sa binuong inter agency task force na bilisan ang pagmonitor sa mga  POGOs at makatutulong…

Read More

ABUSADONG REMITTANCE CENTERS BILANG NA ANG ARAW 

remit1

(NI NOEL ABUEL) BILANG na ang araw ng ilang remittance agencies na mapapatunayang sobra-sobrang magpataw ng finance charges sa mga ipinapadalang pera ng mga overseas Filipino workers (OFWs). Sa inihaing Senate Bill No. 2162 o”Remittance Act” ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, nais nitong mabuksan ang mga ipinapataw na fees at iba pang bayarin sa ipinapadalang pera ng mga OFWs upang maprotektahan ang mga ito. Nakapaloob sa nasabing panukala ang pag-oobliga sa mga remittance agencies na ipakita ang mga terms and conditions sa money transfer. “Over the years, there have been…

Read More

9 ESTABLISHMENTS IPINASARA NG BIR 

bir22

(NI CHERK BALAGTAS) SIYAM na nga establisimyento ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Lungsod ng Caloocan dahil sa hindi umano pagbabayad ng tamang buwis.Kabilang sa mga establisimiyentong ipinasara ang isang bentahan ng bakal, hardware store, salon, carwash, coffee shop at auto parts shop. Ayon kay BIR Caloocan Regional Director Manuel Mapoy na ilang beses nang nasita sa hindi tamang pagdedeklara ng buwis ang naturang mga negosyo ngunit patuloy pa rin ang paglabag kaya isinagawa ang pagpapasara. Nabuking din ng BIR na hindi gumagamit ng rehistradong resibo ang…

Read More

BIR NAGPASAKLOLO SA PAGCOR

bir18

(NI LILIBETH JULIAN) NAGPASAKLOLO na sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang Bureau of Internal and Revenue (BIR) para matukoy ang bilang ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa bansa sa ilalim ng industriya ng online gaming. Ito ay layong matiyak na nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno ang mga dayuhang manggagawa maging ang mga operator ng online gaming company. Sa ulat na isinumite ng BIR kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi nito na kabilang sa BIR sa inter agency task force at nais nitong magampanan nang tama…

Read More

PAGKAMPI NG BIR SA NEGOSYANTE, BINATIKOS

Binatikos ng Federation of Free Workers (FFW) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa paglalabas nito ng kautusan na nagsasabing ang bayad ng negosyante sa healthcards ay bahagi na ng bonus ng mga manggagawa. Sabi ni Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng FFW, ang Revenue Memorandum Circular (RMC) 50-2018 (A7) ng BIR ay naglalayong bawasan ang bonus ng mga manggagawa tulad ng 13th-month-pay dahil nakasaad sa nasabing kautusan na ang premium na ibinabayad ng mga negosyante para sa Philhealth (Philippine Health Corporation) ng kanilang mga manggagawa ay bahagi na…

Read More