(NI ABBY MENDOZA) NAIS ng grupong Bayan Muna na agad ilipat sa New Bilibid Prison ang mga miyebro ng angkang Ampatuan na nahatulang guilty sa Maguindanao massacre. Ayon kay Bayan Muna Rep Carlos Isagani Zarate dapat na ibiyahe agad ang mga Ampatuan sa NBP at tiyaking walang special treatment na ibibigay sa mga ito. “At long last after 10 years, justice is finally catching up with the culprits behind the most barbaric attack against journalists in world history.These convicts must immediately be transferred and put behind bars in the national…
Read MoreTag: BuCor
300 JAIL OFFICER TINANGGAL SA BUCOR
(NI ROSE PULGAR) NASA 300 na mga jail officer ng Bureau of Correction (BuCor) ang pinalitan ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa New Bilibid Prisons (NBP) bilang hakbang para maitigil umano ang iregularidad sa bilangguan. Sinabi ni BuCor spokesperson Wena Fe Dagan na 552 tauhan buhat sa NCRPO ang papalit sa mga tauhan ng BuCor na ipinatupad kahapon ang relief order laban sa kanila. Isinasailalim rin sa imbestigasyon ang mga na-relieve na tauhan ng BuCor sa posibleng kaugnayan nila sa operasyon ng iligal na droga…
Read MoreP360M MEAL ALLOWANCE NG MGA PRESO KINUKUPIT SA BUCOR
(NI NOEL ABUEL) NAGBANTA si Senador Panfilo Lacson na babawasan nito ang pondo ng New Bilibid Prison (NBP) bunsod ng natuklasang hindi ginagastos nang tama ang pondong inilaan para sa pagkain ng mga inmates sa Bureau of Corrections (Bucor). Sa ikawalong imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga anomalya sa loob ng NBP at Bucor, kinuwestiyon ni Lacson kung anong pagkain ang ibinibigay sa mga preso sa inilaang P60.00 kada araw na pagkain ng mga ito. Nabunyag din na inamin ni dating Bucor officer-in charge Rafael Ragos na nakakatanggap…
Read MoreP400M MODERNISASYON NG BUCOR TINATRABAHO NA
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANGAKO si Senate Finance Committee Chair Senador Sonny Angara na mahahanapan ng pondo ang kinakailangang P300 hanggang P400 milyon para sa modernisasyon ng Bureau of Corrections (BuCor). Ang kailangan lamang anya ay makapagsumite ang Department of Justice (DOJ) ng pag-aaral kung paano gagawin ang computerization at automation ng talaan ng mga preso. “Yes, sana mapag-aralan na nila para 2020 ma-implement na yun kasi kailangan na talagng i-modernize,” diin ni Angara. Isa anyang posibleng pagkunan ng pondo ay ang inilalaan dapat na budget sa Barangay at SK elections…
Read More52 SUMUKO SA GCTA, PINALAYA NG BUCOR
(NI HARVEY PEREZ) PINALAYA ng Bureau of Correction (BuCor) ang may 52 sa mahigit 2,000 sumuko na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Ayon kay Justice Spokesperson at Usec.Markk Perete ,ito ay matapos ang pagrebisa sa kanilang mga kaso. Una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may 1,904 Persons Deprived of Liberty (PDL) na nakinabang sa GCTA na magsisuko, pero matapos ang 15-araw na deadline mahigit sa 2,000 ang nagsisuko sa BuCor at Philippine National Police (PNP) dahilan para suspendihin ang pag-aresto sa mga hindi sumuko .…
Read MoreBAGONG HEPE ‘DI GAGAMIT NG MOBILE PHONE SA LOOB NG BUCOR
(NI LYSSA VILLAROMAN) IPINAHAYAG ng bagong upong hepe ng New Bilibid Prison na si Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag ang hindi niya paggamit ng kanyang mobile phone habang siya ay nasa loob ng nasabing facility bilang ehemplo sa lahat ng mga personnel. Ang pahayag ni Bantag ay upang pamarisan ng lahat ng personnel sa loob ng NBP dahil bilang bagong upong BuCor chief, ipagbabawal niya ang paggamit ng mobile phones sa loob ng facility na kadalasang nagagamit sa korupsyon. “Yun po ay maging istrikto lang sa paghalughog niyan,…
Read More‘MATATANDA, MAY SAKIT NA INMATES UNANG PALAYAIN’
(NI NOEL ABUEL) UMAPELA si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa Department of Justice (DOJ) na unahin ang pagpapalaya sa mga matatanda at may sakit na inmates sa New Bilibid Prison (NBP). Sa ginanap na pagdinig sa 2020 budget ng DOJ, ipinarating ni Go kay DOJ Secretary Menardo Guevarra ang panawagan ng mga matatanda at may sakit na inmates na nakasalamuha umano nito noong bumisita sa NBP. “Sumusulat po ako sa inyong tanggapan upang humingi ng inyong tulong at konsiderasyon. Umaapela po ako sa inyo sa ngalan ng mga presong kasalukuyang nakakulong sa…
Read MoreSUMUKONG CONVICT SA GCTA LALAYA KUNG…
(NI KIKO CUETO) PALALAYAIN na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga preso na sumuko sa ipinataw na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi sila nadiin sa heinous crimes, ayon sa Department of Justice. Ayon sa DOJ, ngayong Lunes ay umabot na sa 2,221 convicts ang sumuko. Ang 1,985 sa kanila ay nasa national penitentiary habang ang 236 ay police custody. Humigit ganito rin sa data ng BuCor na nagsasabing 1,914 heinous-crime convicts ang napkawalan sa GCTA law mula 2014. Sinabi pa ng DOJ na nagpatulong ang BuCor sa…
Read MoreDRUG LORD SA HOSPITAL PASS PATULUGIN NANG ‘MAHIMBING’ – BONG GO
(NI NOEL ABUEL) NAIS ni Senador Christopher Lawrence Go na tuluyan nang hindi magising ang ilang convicted drug lords na magkukunwang may sakit para kakakuha ng hospital pass sa Buruea of Corrections (Bucor). Ayon sa senador, payag itong payagang ma-confine sa ospital sa National Bilibid Prison (NBP) ang mga drug lords basta’t bigyan ang mga ito ng dextrose na magbibigay sa mga ito ng mahimbing na pagtulog. “Sa ngayon, hindi natin alam kung magpapatuloy pa rin sila. Kung sakaling magpatuloy sila, bahala sila. ‘Yung mga drug lord diyan, dine-dextrose ng…
Read More