DEPT. OF RESILIENCE ISABATAS NA — SOLON

(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senador Christopher Bong Go na napapanahon nang  maisabatas ang panukalang Department of Disaster Resilience. Ito ay kasunod ng serye ng lindol sa Mindanao at ang mapaminsalang bagyo na sumalanta sa Visayas at ilang bahagi ng Luzon noong Disyembre. Sinabi ni Go na dapat maging proactive ang lahat  at mayroong departamento na tututok sa disaster preparedness at  pagtugon sa mga epekto nito. Idinagdag pa nito na makatutulong aniyang mapabilis ang pagbangon ng mga biktima ng kalamidad kapag mayroon nang nakatutok na iisang ahensiya ang pamahalaan. Dagdag…

Read More

2020 DISASTER FUND TINAPYASAN SA SENADO, KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T palakas nang palakas ang mga bagyo at madalas na rin ang paglindol dahil sa climate change, lumiit naman ang pondong inilaan ng gobyerno sa disaster fund sa susunod na taon. Sa bicameral report na kapwa inaprubahan ng Senado at Kamara,  umaabot na lamang sa P7.5 Billion ang inaprubahan ng mga senador at congressmen na disaster fund sa ilalim ng 2020 national budget. Nabawasan ito dahil sa kasalukuyang taon, P20 Billion ang pondo na pantulong sa mga biktima at mga local government na biktima ng kalamidad tulad ng…

Read More

COMELEC NAGHAHANDA SA KALAMIDAD SA ELEKSIYON

comelec

(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa sunud-sunod na pagkakatala ng pagyanig sa bansa, ikinasa na ng Commission on Elections (Comelec) at mga katuwang sa halalan ang paghahanda sakaling may lindol o anumang sakuna sa panahon ng halalan. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, isinama na ng poll body ang paghahanda sakaling magkaroon ng   sakuna at pangunahin umano aniyang concern ng poll body ang kaayusan ng halalan at kaligtasan ng mga taong kalahok sa aktibidad. Dahil dito ay  magtatalaga sila ng pasilidad at taong gagabay sa publiko kapag may mga biglaang…

Read More

DISASTER DEPARTMENT HILING ITATAG SA GITNA NG KALAMIDAD

lindol12

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ang sunud-sunod na paglindol sa Luzon at Visayas region, lalong kailangan na magkaroon na ng isang departamento na tututok sa paghahanda at pagtugon sa  lahat ng mangyayaring sakuna o kalamidad sa bansa. Ito ang panawagan ni House committee on disaster management chairperson Geraldine Roman, matapos ang magnitude 6.1 na lindol sa Central Luzon noong Lunes at magnitude 6.5 sa Visayas noong Martes. Ayon kay Roman, naipasa na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbassa noong nakaraang taon pa ang House Bill (HB) 8165…

Read More

MORATORIUM SA BAYARIN NG BIKTIMA NG KALAMIDAD

bills

(NI BERNARD TAGUINOD) PAGPAPAHINGAHIN ng ilang buwan ang mga biktima ng kalamidad sa kanilang mga bayarin kapag naipasa na ang panukalang ito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Lumusot na sa ikalawang pagbasa ang House BIll 9082 o Financial Relief in Times of Calamities Act” at inaasahang tuluyang pagtitibayin pagbalik ng mga mambabatas sa trabaho pagkatapos ng eleksyon sa Mayo. Sa ilalim ng nasabing panukala, lahat ng mga tao sa mga lugar na idineklarang “State of Calamity dahil sa pagsalanta ng kalamidad, bagyo man o lindol, ay hindi maaaring pilitin na…

Read More