DUTERTE YOUTH PARTYLIST SINUPORTAHAN SA KAMARA

cardema12

(NI BERNARD TAGUINOD) MISTULANG tinukuran sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Duterte Youth party-list  matapos  ihain ang resolusyon na nanawagan sa Commission on Election (Comelec) na isyuhan na ng certificate of proclamation (COP) ang kanilang mga kinakatawan sa Kapulungan. Sa House Resolution (HR) 552 na iniakda ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ipinapapirma sa mga kongresista, nais ng Kamara na madaliin ng Comelec ang pag-isyu ng COP. Kasama ni Cayetano sina Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Minority Floor Leader Bienvenido Abante, Deputy Speakers Mikee Romero, Rodante Marcoleta, Conrad Estrella at  Eduardo Villanueva…

Read More

WITHDRAWAL NI CARDEMA ‘DI PA PINAL

cardema44

(NI HARVEY PEREZ) INIHAYAG ni Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na hindi  awtomatikong  matatanggal bilang first nominee ng Duterte Youth Party-List Group si dating National Youth commissioner Ronald Cardema, matapos na maghain ng notice of withdrawal sa poll body. Nabatid kay Guanzon, kailangan pa rin itong  desisyunan ng Commission en banc kung aaprubahan ba o hindi ang naturang kahilingan ni Cardema. “His ‘withdrawal’ is not automatic. The Commission En Banc has to rule on that,” post ni  Guanzon, sa kanyang Twitter account. “We are not a stamping pad…

Read More

CARDEMA KAY GUANZON: CELLPHONE IPA-FORENSIC EXAM NATIN!

(NI JEDI PIA REYES) HINAMON ni dating National Youth Commission chair Ronald Cardema si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na maipasailalim sa forensic exam ng kanilang mga cellphone patungkol sa umano’y pagbabanta sa huli. Sinabi ni Cardema na handa siyang isumite sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kanyang cellphone at dapat ay ganito rin ang gawin ni Guanzon. “I challenge you, Guanzon, ipakita mo ang messages ng threat,” ani Cardema. “Magpa-forensic tayo ng telepono, Ma’am,” dagdag pa nito. Naninindigan si Cardema na hindi nito binantaan si Guanzon at hindi rin…

Read More

CARDEMA PINAKAKASUHAN NG GRAFT

cardema55

(NI ABBY MENDOZA) MATAPOS ibunyag ang panunuhol, dapat na kasuhan ng graft si dating National Youth Commission chair Ronald Cardema. Ito ang iginiit ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kung saan malinaw na panunuhol ang ginawa ni Cardema nang amininin nito na pumayag sya sa sinasabing pagbibigay ng P2 milyon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon kapalit ng pabor na accreditation sa Duterte Youth Partylist. It is a clear admission against his own interest, and, these corrupt acts were made while he was still the NYC chair. He should be…

Read More

EBIDENSIYA SA P2-M SUHOL PINALULUTANG KAY CARDEMA

(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG magkalinawan, dapat nang maglatag ng ebidensya si dating National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema laban kay Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guazon na humingi umano ng P2 milyon kapalit ng pag-apruba sa kaniyang nominasyon  sa Duterte Youth party-list. Ito ang hamon ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran, spokesperson ng Party-list Coalition Foundation Inc (PCFI) na pinamumunuan ni 1PACMAN party-list Rep. Mikee Romero. “Where’s the proof. Ang hirap mag-akusa na walang ebidensya kasi mawawalan ka ng kredibilidad,” pahayag ni Taduran kaya dapat aniyang ilatag ni…

Read More

PUWESTO NI CARDEMA NAKADEPENDE KAY DU30

cardema12

(NI BETH JULIAN) TANGING si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapagpapasya kung bibigyan ng puwesto sa gobyerno si Duterte Youth Party President Ronald Cardema. Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kahihinatnan ng kapalaran ni Cardema sakaling tuluyan nang magpasya ang Commission on Elections (Comelec) laban sa kanyang disqualification case. Ayon kay Panelo, hindi niya masasabi kung may alok na puwesto ang Pangulo kay Cardema. Samantala, iginiit ni Panelo na bahala na ang Comelec na magpasya sa kasong disqualification kay Cardema. Iginiit ni Panelo na kailanman ay hindi…

Read More

GUANZON ‘DI AATRAS SA DQ CASE NI CARDEMA

(NI HARVEY PEREZ) WALANG plano na mag-inhibit si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon  sa disqualification case na kinakaharap ni dating Youth Commissioner Ronald Cardema. Matatandaan na diniskuwalipika ng Comelec First Division si Cardema para maging kinatawan ng Duterte Youth sa Kongreso dahil sa pagiging overaged nito. Iba nang humarap  sa media si Cardema at inakusahan si Guanzon nang panghihingi umano ng pera at pabor sa kanya kapalit nang pag-apruba sa akreditasyon ng Duterte Youth party-list. Naniwala naman si Guanzon na binabato siya ng kung anu-anong alegasyon ni Cardema…

Read More

CARDEMA NAGPASAKLOLO VS GUANZON; PALASYO: DEADMA

cardema55

(NI BETH JULIAN) WALANG pakialam ang Malacanang. Ito ang tahasang tugon ng Malacanang sa hirit ni Duterte Youth President Ronald Cardema na nagpapasaklolo kay Pangulong Rodrigo Duterte para silipin ang alegasyong corruption na kinasasangkutan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi nakikialam ang Palasyo sa ginagawa ni Cardema dahil wala naman itong kaugnayan sa isyu. “Kung sinasabing mayroon man korapsyon, dapat magsampa ng kaso sa korte si Cardema laban kay Guanzon,” wika ni Panelo. Naninidigan ni Panelo na kahit pa naging supporter…

Read More

SLOT SA KONGRESO NI CARDEMA PWEDENG MASAYANG — COMELEC

(NI HARVEY PEREZ) MALAKI umano ang posibilidad na masayang ang isang puwesto na nakuha sa Kongreso ng Duterte Youth party-list group. Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na  sa kanyang sariling opinyon ay walang kuwalipikadong nominado ang Duterte Youth upang makapuwesto sa Kamara matapos na diskuwalipikahin ng Comelec First Division si dating Youth commissioner Ronald Cardema  dahil sa pagiging overaged nito. Sa kabila na naghain si Cardema ng apela sa desisyon ng poll body, mistula naman aniyang ‘isinuko’ na rin niya ito dahil sa ginawang paghahain ng grupo ng…

Read More