CASUGAY, TOPS ATHLETE OF THE MONTH

(NI DENNIS IÑIGO) NAPASAKAMAY ni 30th Southeast Asian Games surfing champion at  hero Roger Casugay ang karangalan bilang “Athlete of the Month” para sa Disyembre ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS). Kinubra ni Casugay, sinaluduhan ng international surfing community dahil sa kanyang kabayanihan, ang isa sa dalawang gold medals sa surfing competitions na ginanap sa Monalisa Point sa San Juan, La Union Province. Isinukbit ng 25-anyos na Filipino champion ang gold sa men’s longboard category sa naitalang iskor na 14.50 sa overall round, tanging tatlong puntos lamang ang agwat…

Read More

‘FAIR PLAY ATHLETE’ AWARD KAY CASUGAY

(NI VT ROMANO) BAGO tuluyang isinara ang tabing ng 30th Southeast Asian Games, iginawad kay national surfer Roger Casugay ang ‘Fair Play Athlete’ award. Sa closing ceremonies sa New Clark City Athletic Stadium sa Capas, Tarlac, si Casugay ay pinagkalooban ng pagkilala bunga ng kanyang ‘heroic sportsmanlike act’ habang ginaganap ang surfing event ng biennial meet sa La Union. Kasalukuyan pang bumabawi ang La Union mula sa epekto ng bagyong Tisoy noong nakaraang linggo habang isinasagawa ang longboard event, binalewala ni Casugay ang pangunguna sa karera nang magpasyang balikan ang…

Read More

SEAG HERO PARARANGALAN SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) PARARANGALAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang itinuturong na “bayani” sa 30th Southeast Asian Games na si Roger Casugay na nagligtas sa buhay ng Indonesian surfer sa surfing competition sa La Union. Ito ang nakasaad sa  House Resolution 585 o “Resolution commending the act of heroism” of Mr. Roger Casugay during the surfing competiton of the Southeast Asian game 2019 in the province of La Union,”  na inakda ni La Union Rep. Pablo Ortega. Naging viral ang pagliligtas ni Casugay sa nakalabang Indonesian surfer,  na isinakripisyo ang pagkakataon na maka-gintong medalya…

Read More

SURFER CASUGAY, TINAGURIANG HERO NG 30TH SEA GAMES 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUMPIRMA ni Senador Bong Go na bibigyan ng Lapu-Lapu award ang Pinoy Surfer na si Roger Casugay na matapos iligtas ang kapwa surfer ay nakasungkit din ng gintong medalya sa Southeast Asian Games. Sa kanyang speech na nagbibigay ng pagkilala sa Surfing team, iginiit ni Go na una na rin niyang ipinagako kay Casugay na manalo o matalo siya sa kompetisyon ay tatanggap siya ng award. “Walang dudang si Casugay ang hero ng 30th Southeast Asian Games,” saad ni Go. Sa kanyang Senate Resolution 230, sinabi ni…

Read More