(NI BETH JULIAN) PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga airline companies na dapat tiyaking maayos ang kanilang serbisyo sa mga pasahero. Ang paalala ng Pangulo ay kasunod ng ginawang pagkastigo nito ang flight delays at cancellations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang linggo. Sa talumpati ng Pangulo sa ika-121 anibersayo ng Philippine Navy, inalala nito ang paghihirap ng mga pasahero dahil sa naranasang mga delayed flights. “Merong isang eroplanong nag-landing and they stayed for five hours inside the plane, incoming. So merong tumawag late ng two hours,…
Read MoreTag: cebu pacific
CEBUPAC GIGISAHIN SA KAMARA SA CANCELED FLIGHTS
(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ang eleksyon, kokomprontahin na ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Cebu Pacific dahil sa aberyang idinulot ng mga ito sa kanilang mga pasahero dahil sa pagkansela ng kanilang mga flights. Nabatid na aabot sa 22,0000 pasahero ng nasabing airline company na ang naapektuhan sa kanilang mga kinanselang flights kaya maghahain umano si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate sa Lunes para atasan ang House committee on transportation na magsagawa ng imbestigasyon. Ayon kay Zarate, muli nitong isusulong ang Magna Carta for Air Passengers…
Read MoreLIBRENG ROUND TRIP TICKET SA APEKTADO NG CEB PAC IBIBIGAY
(NI DAVE MEDINA) MAGBIBIGAY ang budget carrier Cebu Pacific ng free round trip tickets sa lahat ng pasaherong naabala at maaabala pa ng kanselasyon ng kanilang mga biyahe mula April 28 hanggang May 10, 2019. Sinabi ni Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta Lagamon, ang libreng round trip ticket ay pwedeng gamitin ng mga apektadong pasahero saan man ang kanilang domestic destination. Sa kalkulasyon ng Cebu Pacific, sa mga kanselasyon ng biyahe na nangyari mula April 28 hanggang April 30 ay nasa 10,000 pasahero na ang naapektuhan. Inaasahan naman ng Ceb…
Read MoreCEB PAC MANANAGOT SA KANSELADONG FLIGHTS
(NI MAC CABREROS) INAASAHANG papatawan ng parusa ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang Cebu Pacific dahil sa pagkansela ng maraming flights na nagsimula noong Linggo (Abril 28). Ayon Atty. Wyrlou Samodio, iimbestigahan ang bultong kanselasyon ng flights ng Cebu Pacific upang malaman ang totoong ugat ng mga ito. “If there are violations, definitely they (Cebu Pacific) will be meted out with appropriate penalty,” pahayag Samodio. Aniya, kanilang hihingan ng paliwanag ang pamunuan ng nasabing airline. Nabatid na ang pagpapabuti sa kanilang serbisyo ang idinahilan ng airline kaya’t nagkaroon ng kanselasyon. Sa abiso…
Read More