PHILHEALTH BUDGET HAHARANGIN

(NI ABBY MENDOZA) SA pagsisimula ng budget hearing sa susunod na Linggo, agad na nagbanta si Anakalusugan Partylist Rep.Mike Defensor na haharangin ang pondo para sa 2020 ng Philippine Health Insurance Corp. ( Philhealth). Ang banta ng mambabatas ay kasunod na rin ng anomalyang kinasasangkutan ng Philhealth lalo sa mga ghost beneficiaries. Isa pa sa isyung nais linawin ni Defensor sa oras na sumalang sa budget deliberations ang Philhealth ay ang ginawa nitong pagpigil sa Commission on Audit (CoA) na suriin ang 2018 benefit claims expenses nito. Ani Defensor, kanyang…

Read More

GURO NAGPO-PHOTO COPY NG MGA LIBRO

teachers12

(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG matiyak na mayroong materyales ang kanilang mga estudyante, napipilitang gumastos ang mga public school teachers sa pagpapa-photo copy ng mga libro. Ito ang nabatid kay ACT party-list Rep. France Castro kaya masakit umano sa loob nito habang ginagawa ito ng mga public school teachers ay mayroong mga text books ang hindi ipinamigay ng Department of Education (DepEd). Ang hinaing ay matapos matuklasan ng Commission on Audit (COA) na hindi ipinamimigay ng DepEd sa mga public schools ang may P113.7 milyon halaga ng textbooks. Bukod pa dito…

Read More

SIGAW NG MGA GURO: DEPED IMBESTIGAHAN SA ANOMALYA!

deped55

(NI KEVIN COLLANTES) ISINUSULONG ng isang grupo ng mga guro ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagbili ng Department of Education (DepEd) ng may P113 milyong halaga ng mga libro at iba pang learning materials na hindi naman nagamit ng mga mag-aaral. Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) chairperson Joselyn Martinez, dapat na imbestigahan ang findings ng Commission on Audit (COA) hinggil sa umano’y iregularidad sa paggamit ng pondo ng DepEd partikular na ang may kinalaman sa pagbili ng mga learning materials. Binigyang-diin ni Martinez na hindi sapat…

Read More

P300-M GASTOS NG DEPED SA ‘TRAINING’ IDINEPENSA

deped25

(NI KIKO CUETO) DUMIPENSA ang Department of Education (DepEd) sa ginawang pagsita ng Commission on Audit (COA) sa P300 million na ginagastos ng ahensiya para sa out of town trainings. Sa kanilang report, sinabi ng COA na “extravagant” ang naturang halaga base sa annual assessment na P316.62 million ay ginamit ng DepEd trainings sa “lavish resorts and tourist spot locations.” Pero sa panayam sa radio sa DZMM, sinabi ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla na bagaman maituturing na “alarming” o nakakabahala ang halaga, pinaalalahanan nito ang dami ng kanilang personnel na 900,000…

Read More

‘DEPED ‘DI BANAL SA KATIWALIAN’

deped

(NI MAC CABREROS) HINDI exempted sa katiwalian ang Department of Education (DepEd). Inamin ito mismo ng isang opisyal nito sa panayam ng Saksi Ngayon. “We cannot say it is corruption free. Kaya nga tutok ang ating kalihim para maiwasan ito,” pahayag opisyal na tumangging magpatukoy. Naunang nasilip ng Commission on Audit na abot sa P13 bilyon ang hindi maipaliwanag na magarbong paggastos gaya ng pagsasagawa ng seminar at training sa mamahaling resort at hotel. Pinagsisikapan naman ngayon ng DepEd na kalkalin ang mga dokumento bilang patunay na walang katiwalian sa…

Read More

DEPED AAKSIYON SA P136-M NAKAIMBAK NA LIBRO

deped25

(NI KIKO CUETO) NANGAKO ang Department of Education (DepEd) na muli nitong bubusisiin ang kanilang panuntunan, pagdating sa procurement ng mga school materials. Ito ay kasunod na rin ng pagbubunyag ng Commission on Audit (COA) sa kanilang report, na aabot sa mahigit P136 milyong halaga ng mga instructional materials ang nasasayang, nakaimbak at hindi nagagamit sa warehouses. Sinasabing ito ay buffer stock para sa taong 2014-2017. Sinabi sa report na sa 4 milyong textbooks at teacher manuals, nakapagpamigay lang ang DepEd ng 652, 842 na kopya. Nahati ito sa 230,…

Read More

P10-M FEDERALISM FUND NILINAW NG PCOO SA COA

pcoo22

(NI BETH JULIAN) IGINIIT ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Marie Rafael na naisumite na nila noong Mayo ang liquidation at progress report kung paano ginamit ang P10 pondo sa kampanya sa Pederalismo noong nakalipas na taon. Ito ang pagpalag ng PCOO sa annual audit report ng Commission on Audit (COA) na nagsasaad na nabigo ang ahensya na magsumite ng buwanang report. Tinanggap ng PCOO ang P10 milyon pondo sa Department of Budget and Management noong October 2018 kung saan hindi lahat ng pondo ay nagamit dahil sa…

Read More

OMBUDSMAN KINUWESTIYON NG COA

ombudsman1

(NI JEDI PIA REYES) KINUWESTYON ng Commission on Audit (COA) ang pagbabayad ng Office of the Ombudsman ng P4.565 milyong halaga ng langis at lubricants nang hindi dumaan ng public bidding na taliwas sa itinatakda ng batas. Sa 2018 audit report ng COA, ipinunto nito na sa pinasok na transaksyon ng Ombudsman ay naipagkait sa gobyerno ang pagkakataon na makakuha ng mga produktong petrolyo sa mas murang presyo. Tinukoy ng audit agency ang direktang pagbili ng Ombudsman sa pamamagitan ng credit line at walang valid na kasunduan o kontrata sa…

Read More

REPORT NG COA KINONTRA: ‘DI KAMI KAPOS SA TARGET — PNP

albayalde121

(NI AMIHAN SABILLO) IGINIIT ng Philippine National Police (PNP) na hindi sila kinapos sa kanilang target sa pag-aresto sa mga most wanted person. Ito ay makaraang iulat ng Commission on Audit (COA) noong nakaraang linggo na 19.37 percent lang ng most wanted persons ang naaresto ng PNP. Ito ay malayo sa orihinal nilang target na 51.57 percent. Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, ang tinutukoy ng COA sa kanilang ulat ay ang mga naarestong pasok sa top 10 most wanted persons noong 2018, at hindi ang kabuuang bilang ng mga…

Read More