(NI DAVE MEDINA/PHOTO BY KIER CRUZ) NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na huwag magkukusang magtatanggal ng campaign poster at tarpaulin ng mga politiko. Ayon sa Comelec, posibleng masangkot sa gulo o disgrasya ang sinumang magtatanggal ng campaign posters at tarpaulins ng mga politiko dahil ikagagalit ito ng kani-kanilang supporter at ng mismong mga kandidato. Nauna rito ay sinabihan ng Comelec ang mga kandidato na magkusang magtanggal ng kanilang “campaign materials” dahil bawal na ito sa regulasyon ng kanilang Tanggapan. Ayon kay Comelec spokeperson James Jimenez, mayroong mga…
Read MoreTag: COMELEC
SOLONS NABAHALA SA DELAY NG PRINT NG BALOTA
(NI NOEL ABUEL) NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang ilang senador sa posibilidad na kulangin ang supply ng balota na gagamitin sa darating na 2019 national elections. Sinabi ni Senador Koko Pimentel na na-delay ang Comelec ng 18 araw maliban pa sa magpi-print din ito ng anim milyong dagdag na balota dahil sa nadagdagan ang bilang ngga botante. “I’m worried sa printing of ballots kasi na delay ang Comelec ng 18 days then magpi-print sila ng mas maraming additional 6m more ballots compared sa last elections, so na-delay ka na ng 18 days…
Read MoreCANVASSING INIHINTO PANSAMANTALA NG COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) PANSAMANTALANG inihinto ng Commission on Elections (Comelec) chair Sheriff Abas ang canvassing of votes para sa ikalawang round ng plebisito matapos mabatid na hindi pa nakararating sa Central Office ng Comelec sa Intramuros, Maynila ang mga certificates of canvass (COC) mula sa mga lugar na sakop ng plebesito sa Lanao del Norte at North Cotabato. Kasabay nito, itinakda na ni Abas ang pagpapatuloy ng canvassing ng mga boto sa Pebrero 11, dakong alas2 ng hapon. Una nang niratipikahan noong Enero 21 ang Bangsamoro Organic Law (BOL) matapos…
Read MoreDISQUALIFICATION NG MAG-ASAWANG CAYETANO HININGI
(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY MJ ROMERO) KINUWESTIYON sa Commission on Elections (Comelec),ang kandidatura ng mag-asawang Alan at Lani Cayetano bilang kinatawan ng District 1 at District 2 sa Taguig City. Si Alan Peter ay nagsabing nakatira siya sa Barangay Bagumbayan sa Taguig, habang si Lani ay nagsasabing siya ng residente ng Barangay Fort Bonifacio sa kabila na ang mag asawa ay nakatira sa Unit 352-A Two Serendra as Fort Bonifacio, Taguig. Martes ng tanghali ay nagsagawa ng pagkilos sa Comelec ang mga grupong gustong madiskuwalipika ang mag asawang Cayetano sa…
Read More500 PULIS IKAKALAT SA N. COTABATO BOL PLEBISCITE
(NI BONG PAULO) NORTH COTABATO – Abot sa 582 na mga pulis ang ipakakalat sa plebesito ng Bangsamoro Organic Law o BOL sa pitong mga munisipyo sa lalawigan ng North Cotabato. Ayon kay Regional Director P/Chief Supt Eliseo Tam Rasco simula pa Lunes ng umaga hanggang sa Pebrero-8 mananatili ang mga pulis para tiyakin ang seguridad sa plebesito. Ang mga pulis ay mula sa iba’t ibang hanay ng PRO 12 Regional Headquarter (PCO-3, PNCO-117), Regional Mobile Force Battalion (RMFB at ng PCO-6, PNCO-114), City/Provincial Mobile Force Company (PCO-6, PNCO-114), alert…
Read MoreSOCMED, ONLINE ADS NG KANDIDATO IMOMONITOR
IMOMONITOR ng Commisision on Elections ang social media at online advertisements para sa midterm elections kung saan ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang mga blogs at social media post ay isasailalim sa campaign regulations. Sa resolusyon, inatasan ng poll body ang lahat ng political parties at kandidato na i-register sa Education and Information Department ng Comelec ang website name at web address ng official blog o social media page na gagamitin sa kanyang online campaign materials. Ang ibang blogs at social media pages na wala sa ilalim ng kandidato o…
Read MoreBALOTA SA OVERSEAS VOTING UUNAHIN SA IMPRENTA
SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na mauunang iimpreta ang mga balotang gagamitin sa overseas absentee voting para sa May 2019 elections. “ May mga listahan na lugar sa mga overseas automated polls at ang mga balotang ito ay ipapadala sa mail. Itong mga balotang ito ang uunahing i-impreta kasi iba ang itsura ng balota na iyon. Ang laman lang nun, national candidates, kaya mas mabilis matatapos ‘yun,” paliwanag ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang press conference. “Pero ‘yung kabuuan ng [mga] balota para sa national elections, mga mid-April…
Read MoreQC ‘DI PA ILALAGAY SA COMELEC HOTSPOT
(NI HARVEY PEREZ, BERNARD TAGUINOD) WALA pang balak ang Commission on Elections (Comelec) na isama sa mga lugar na nasa “hotspots ” at isailalim sa kontrol ang Quezon City,kasunod ng pagpaslang, Miyerkoles ng tanghali sa isang barangay chairna kakandidato bilang congresswoman ng District 2 ng Quezon City. “Wala pang ganyang pagkilos. Kailangan muna ma-evaluate ng PNP ang sitwasyon. Tignan natin kung ano ang rekomendasyon nila,”ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez. Magugunita na pinagbabaril ng mga suspek nakasakay ng dalawang motorsiklo si Barangay Bagong Silangan chair Crisell Beltran, 47,habang nakasakay sa…
Read MoreLISTAHAN NG OFFICIAL SENATORIAL CANDIDATE INILABAS NA
(MITZI YU) INILABAS na ng Commission on Elections o Comelec ang opisyal na listahan ng mga senatorial candidate at party-list group para sa May 13 midterm polls. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, pitumpu’t pito ang kandidato sa pagka-senador subalit labing-apat sa kanila ang may nakabimbing kaso. Nireresolba naman ng poll body ang mga kaso ng 13 senatorial aspirants kabilang ang kay Senador Aquilino Pimentel III at dating Senador Sergio Osmeña III. Kabilang sa nakapasok sa listahan sina Pimentel, Osmeña, Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, dating Interior Secretary Raffy Alunan,…
Read More