TINUPAD ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, Biyernes ng umaga, ang sinabi nitong magko-commute siya nang walang bodyguard patungong Malacanang matapos hamumin ni Bagong Alyansang Makabayan Secretary-General Renato Reyes. Kumuha pa ng selfie si Panelo sakay ng jeep kasama ang ilang pasahero habang nakasuot ng long-sleeved na puting polo, cap at shades bago sumikat ang araw. Nauna nang nagpahayag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi nila bibigyan ng escort si Panelo matapos nitong kagatin ang hamon ng militante sa gitna ng krisis umano sa transportasyon na nagaganap sa metropolis.…
Read More