PARTY NG RAPTORS NAUDLOT; WARRIORS HUMIRIT

raptors12

NAUDLOT ang selebrasyon ng Toronto Raptors nang sumablay ang 3-pointer ni Kyle Lowry sa pagtunog ng buzzer at nagawang maitakas ng Golden State Warriors ang one-point win, 106-105 sa Game 5 ng NBA Finals, Martes (Manila time) na ginanap sa Scotiabank Arena sa Toronto. Ang Raptors ay angat pa rin sa serye, 3-2 at babalik sa Oracle Arena sa Oakland, California ang Finals para sa Game 6. Iniwan ni Kevin Durant ang laro matapos umiskor ng 11 puntos nang muling manakit ang dati nang (calf) injury nito. Kaya’t muling naiwan…

Read More

RAPTORS DUMIKIT SA KORONA

kawhi12

DUMIKIT ang Toronto Raptors sa mithiing hubaran ng kampeonato ang Golden State Warriors matapos ang malaking panalo sa Game 4 ng NBA Finals, Sabado (Manila time) sa Oakland, California. Muling binitbit ni Kawhi Leonard ang Raptors tungo sa 3-1 edge sa serye, isang hakbang na lang at makakamit na ng Toronto ang una nitong championship. Ang 27-anyos na si Leonard, na mas malamig pa sa yelo ang hilatsa ng mukha sa kabila ng panalo, ay umiskor ng 36 points at humablot ng 12 rebounds para sa Raptors. Binuksan ng Leonard…

Read More

CURRY LIGTAS SA AKSIDENTE

Ipinaabot ni Stephen Curry ng Golden State sa pamamagitan ng social media na maayos ang kanyang kalagayan at walang dapat ipangamba ang mga fans dahil hindi siya pinabayaan ng Diyos. Ito’y matapos masangkot sa multiple-car collision ang NBA superstar. “Don’t need any reminders but All the Time God is Great and God is Great all the time! Appreciate all the texts,” lahad ni Curry sa kanyang twitter account. Biyernes ng umaga nang maaksidente ang sinasakyang kotse ni Curry habang papunta sa Warriors shootaround. Pero sa kabila ng damage sa kanyang…

Read More