SURFER CASUGAY, TINAGURIANG HERO NG 30TH SEA GAMES 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUMPIRMA ni Senador Bong Go na bibigyan ng Lapu-Lapu award ang Pinoy Surfer na si Roger Casugay na matapos iligtas ang kapwa surfer ay nakasungkit din ng gintong medalya sa Southeast Asian Games. Sa kanyang speech na nagbibigay ng pagkilala sa Surfing team, iginiit ni Go na una na rin niyang ipinagako kay Casugay na manalo o matalo siya sa kompetisyon ay tatanggap siya ng award. “Walang dudang si Casugay ang hero ng 30th Southeast Asian Games,” saad ni Go. Sa kanyang Senate Resolution 230, sinabi ni…

Read More

CHINESE GOV’T PINAKIKILOS SA CHINESE KFR SYNDICATE SA PHL

dela rosa12

(NI NOEL ABUEL) DAPAT na kumilos ang Chinese government at makipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan para masolusyunan ang nangyayaring pagdukot sa mga kababayan nito sa bansa. Ito ang payo ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kaugnay ng nadadalas na ulat na pagdukot sa mga Chinese nationals ng mga kababayan ng mga ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa. “Dapat, more coordination dapat. Lalo na police attache ng China dito, mabilis naman ‘yan makipag-coordinate sa amin, ‘pag may national silang nakidnap,” paliwanag pa ng dating pinuno ng Philippine National Police…

Read More

PONDO NG UP APRUB KAY DELA ROSA 

(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na suportado nito ang pagbibigay ng kaukulang pondo ng University of the Philippines (UP) sa kabila ng ulat na may nangyayaring recruitment ng ilang militanteng grupo. Ito ang pagtitiyak ng senador sa mga opisyales ng UP at sa ‘Iskolar ng Bayan’ sa gitna ng budget deliberation ng  Commission on Higher Education (CHED) bagama’t patuloy ang paniniwala nitong tuloy pa rin ang pag-recruit sa mga estudyante nito. Paliwanag ni Dela Rosa, wala itong galit sa state university at sa mga mag-aaral nito…

Read More

DELA ROSA IIMBESTIGAHAN SA GCTA LAW SA BILIBID – OMBUDSMAN

dela rosa12

(NI ABBY MENDOZA) INAMIN ni Ombudsman Samuel Martires na kasama sa kanilang iniimbestigahan sa isyu ng paglabag sa Good Conduct Time Allowance(GCTA) Law si dating Bureau of Corrections(BuCor) chief at ngayon ay Senador Ronald dela Rosa. Si dela Rosa ay nagsilbing BuCor Chief mula Abril hanggang Oktubre ng taong 2018. Ayon kay  Martires maliban kay dating BuCor Chief Nicanor Faeldon ay kasama rin si dela Rosa sa motu proprio investigation gayundin ang iba pang naging opisyal ng ahensya simula noong 2014. Maliban sa posibleng kasong administratibo, iniimbestigahan din ng Ombudsman…

Read More

MOU NA PNP, AFP, BAWAL SA UP, PINAREREBYU SA SENADO

albayalde12

(NI AMIHAN SABILLO) IPINARE-REVIEW ni PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde kay Senator Ronald Bato Dela Rosa ang 1989 Department of National Defense (DND) at University of the Philippines(UP)  memorandum of understanding (MOU). Ilan lang sa nilalaman ng kasunduan ay hindi maaring makapasok sa lahat ng UP campus ang mga sundalo at mga pulis nang walang pahintulot mula sa UP Administration. Ayon kay PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde matapos ang mga reklamo ng mga magulang sa pagdinig sa Senado nitong Miyerkoles kung saan napariwara umano ang kanilang mga anak…

Read More

‘DEATH PENALTY PIPIGIL SA PAGLALA NG DROGA’ 

dela rosa12

(NI NOEL ABUEL) INAMIN ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na ikokonsidera nito ang mga suhestiyon ng mga nahuling drug lords para maging matagumpay ang paglaban sa illegal drugs at pagbuhay sa parusang kamatayan sa bansa. Ayon sa senador, mismong ang mga drug lords na nakakulong sa Bureau of Corrections (BuCor) ang nagsabing kung nais ng pamahalaan na matigil ang pagbaha ng illegal na droga sa bansa ay ipasa ang panukalang batas na bubuhay sa parusang kamatayan. “Sa aking experience as director general ng BuCor, nakausap ko ang mga convicted…

Read More

DELA ROSA KINAMPIHAN NG PALASYO

dela rosa12

(NI BETH JULIAN/PHOTO BY DANNY BACOLOD) “EXPRESSION lamang.” Ito ang pagsasalarawan ng Malacanang sa binitiwang salita ni Senator Ronald dela Rosa tungkol sa pagkamatay ng bata sa isang operasyon noong Sabado sa Rodriguez, Rizal. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi naman intensyon ni Dela Rosa na makapanakit sa kanyang binitiwang salita at isa lamang itong matatawag na expression. Naglabasan ang mga batikos kay Dela Rosa mula sa mga kritiko at ilang kapwa nito senador nang isagot nito na “s**t happens” sa mga operasyon ng pulis at sino ba naman…

Read More