(NI BERNARD TAGUINOD) HINILING ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Deparment of Health (DOH) na pag-aralan ang natuklasan ng Malaysia na bacteria na pangkontra sa dengue. Kasabay nito, pinarerebyu ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang National Dengue Prevention & Control Program matapos umabot sa 402, 694 ang naitalang dengue cases sa bansa mula Enero hanggang Nobyembre 16 na mas mataas ng 209,335 kumpara sa naitala noong 2018. “We understand that Malaysia has brought in the Wolbachia bacteria, which retards the dengue virus in the Aedes mosquito, and lessens the risk…
Read MoreTag: dengue
JOGGING PANTS SA STUDENTS VS DENGUE, HINILING SA DEPED
(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ng isang senador ang Department of Education (DepEd) na pag-aralang mabuti na pansamantalang ipagbawal ang pagsusuot ng school uniform ng mga estudyante para maiwasan ang sakit na dengue. Sa sulat na ipinadala ni Senador Nancy Binay DepEd Sec. Leonor Briones, nananawagan ito na payagang makapagsuot ng jogging pants o pantalon ang mga mag-aaral hangga’t hindi nakokontrol ang epekto ng dengue virus. “I am respectfully requesting that your office study the possibility of allowing students to forgo the wearing of uniforms in school in favor of clothing like long…
Read More15 SA 16 BRGY SA PQUE NASA STATE OF CALAMITY DAHIL SA DENGUE
(NI ROSE PULGAR) ISINAILALIM ngayon sa state of calamity ang 15 barangay dahil sa dengue outbreak sa lungsod ng Paranaque. Ayon kay Paranaque City Administrator Fernando ‘Ding’ Soriano, sa 16 na barangay ay isa lamang ang hindi naapektuhan at ito ay ang Barangay Martin de Porres sa nasabing lungsod. Sinabi ni Soriano, nasa 4 katao na ang nasasawi mula Enero hanggang Setyembre 21, ayon sa health division ng lungsod. Aniya, ang deklarasyon ay aprubado ng isang resolution ng City Risk Reduction and Management Council dahil sa nakaaalarma na ito at…
Read MoreSOLON: POLIO, DENGUE OUTBREAK KONEKTADO SA WATER CRISIS
(NI BERNARD TAGUINOD) KONEKTADO sa water crisis ang paglaganap ng polio at dengue sa bansa. Ito ang paniniwala ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor kaya kailangan aniyang paramihin pa ang mga pagkukunan ng water supply hindi lang para sa Metro Mnaila kundi sa buong bansa. “Running water is essential for good health. Household sanitation and personal hygiene tend to suffer whenever there is lack of water,” ani Defensor kaya ang krisis sa tubig na naranasan noong Marso hanggang Agosto ng taong kasalukuyan ay “played a part in the spread of diseases”…
Read MoreDENGUE PUMALO NA SA 249,332; NASAWI NASA 1,021
(NI HARVEY PEREZ) PUMALO na sa may 249,332 ang naitalang kaso ng dengue ng Department of Health (DOH) at nasa 1,021 na ang bilang ng mga nasawi mula Enero 1 hanggang Agosto 21, 2019. Nabatid kay Health Undersecretary Eric Domingo, ito ay may 50% mataas kumpara sa naitalang 119,224 kaso ng dengue at 622 ang nasawi sa kaparehas na panahon noong 2018. Sinabi ni Domingo na karamihan ng kaso ng dengue ay naitala sa Western Visayas na may 42,694; sinundan ng CALABARZON, 35,136; Northern Mindanao, 18,799; Zamboanga Peninsula, 17,529; at…
Read MoreDENGVAXIA BINAWI NG FDA; DASAL NA LANG VS DENGUE — SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) “DASAL.” Ito ang sagot ni Iloilo Rep. Janette Garin nang tanungin ng Saksi Ngayon kung ano ang mabisang panlaban sa Dengue ngayong binawi na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang lisensya ng dengvaxia. Ayon sa mambabatas, kailangang lakasan pa ng mga magulang ang kanilang dasal na hindi makakagat ng lamok na may dalang dengue virus ang kanilang mga anak at makaligtas ang mga ito sa tiyak na kamatayan. Lalong kailangang magdasal umano ang mga magulang na may mga anak na nagkadengue na huwag itong magka-dengue muli dahil…
Read More120 CHINESE WORKERS NA-DENGUE SA BATAAN
(NI JAY-CZAR LA TORRE) BATAAN – Umabot sa 120 manggagawang Chinese national ang tinamaan ng sakit na dengue sa Bayan ng Mariveles, ayon kay Dr. Godofredo Galicia, Jr. miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. Base sa datos ng Bataan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, sa 400 kabuuang bilang ng kaso ng dengue sa buong lalawigan, 120 ay nagmula sa GN Power Coal Plant kung saan nagtatrabaho ang mga banyagang manggagawa. Sinabi rin ni Dr. Galicia na lumalabas sa pag-iimbestiga ng mga kawani ng panlalawigang kalusugan, kakulanganan sa kalinisan ang pangunahing sanhi ng…
Read MoreKASO NG DENGUE SA SOCCSKSARGEN UMABOT NA SA 13,000
(NI DONDON DINOY) DIGOS CITY- Nanguna na ngayon ang lalawigan ng South Cotabato sa may pinamaraming nagkasakit ng dengue sa Soccsksargen Region. Ayon sa huling datos ng Department of Health (DOH)-Soccsksargen mula Enero 1 hanggang Agosto 3, 2019, nasa 13,128 katao na ang nagkasakit ng dengue o nasa 179 porsiyento kung ikumpara sa parehas na panahon noong 2018. Sa naturang bilang, nasa 34 porsiyento o 4,452 ang naitala sa South Cotabato na mayroong 182 porsiyento ang pagtaas. Nakapagtala rin ang lalawigan ng pinakamaraming namatay na aabot sa 22 katao. Sinabi…
Read More21 PATAY SA DENGUE SA DAVAO REGION
(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY–Umabot na sa 21 ang bilang ng mga namatay sa may 4,345 na kaso ng dengue sa Davao Region base sa huling talaan ng Department of Health (DoH) na ipinalabas noong Agosto 5. Sa isinagawang press conference nitong Huwebes, sinabi ni Health Assistant Secretary Abdullah B. Dumama na sa Davao City pa lamang, ay nasa 11 na ang namatay at sinundan ito ng anim sa Davao del Norte, at tag-iisa ang namatay sa mga probinsya ng Compostela Valley, Davao del Sur, Davao Occidental, at Davao Oriental. Sa…
Read More