(NI ABBY MENDOZA) SA harap ng planong rebyuhin ang K-12 program, hinamon ni Binan Laguna Rep. Marlyn Alonte ang Department of Education (DepEd) na patunayan sa Kamara na nabibigyan ng trabaho ang mga graduates ng senior high school kahit hindi sila makapagtapos sa kolehiyo gaya ng ipinangako nito bago ipatupad ang programa. Hamon ng mambabatas, magpakita ng patunay, ebidensiya, saan, kailan at sukatan ang DepEd, na ang mga senior high school graduates ay natatanggap sa trabaho, self employed man o kaya nang makapagpatayo ng kanilang sariling negosyo . Kung hindi…
Read MoreTag: deped
PAGREPASO SA K-12 PROGRAM IKINAGALAK NG DEPED
(NI KEVIN COLLANTES) NAGING malugod ang pagtanggap ng Department of Education (DepEd) sa plano ng House of Representatives na repasuhin ang pagiging epektibo ng K to 12 Basic Education Program. Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na umaasa itong magiging maganda ang kalalabasan ng pagrepaso sa K to 12 program at resulta sa panibagong commitment at inisyatiba sa pagitan ng mga mambabatas, advocates at iba pang stakeholders, na makatutulong para makamit ang layunin ng programa. Nauna rito, inianunsiyo ni House Speaker Alan Peter Cayetano nitong Linggo na napagkasunduan ng mababang…
Read More40 ISKUL APEKTADO SA 6.5 MAGNITUDE QUAKE SA N. COTABATO
(NI KEVIN COLLANTES) NASA 40 paaralan ang naapektuhan at napinsala ng 6.3-magnitude na lindol na tumama sa North Cotabato nitong Oktubre 16, batay sa ulat ng Department of Education (DepEd). Sa situation report na inilabas ng DepEd-Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), nabatid na ang lalawigan ng Sarangani ang may pinakamaraming bilang ng naapektuhang paaralan na umabot sa 17, kasunod ang Cotabato City na mayroon namang 11 paaralan na nasira. Nasa apat naman ang paaralan na napinsala sa Koronadal City, tatlo sa Kidapawan City, dalawa sa Digos City, at…
Read More63K POSISYON SA DEPED, BAKANTE
(NI BERNARD TAGUINOD) TAMBAK na ang posisyon sa Department of Education (DepEd) na ayaw lagyan ng tao ng ahensya kaya lalong nahihirapan ang public school teachers dahil gumagawa ang mga ito ng ibang trabaho bukod sa pagtuturo. Ito ang reklamo ni ACT party-list Rep. France Castro matapos matuklasan na umaabot na sa 63,035 ang plantilla position sa DepEd ang hindi nilalagyan ng mga tao. Sa nasabing bilang, 12,206 dito ay para sa non-teaching positions, 41,510 para sa teaching positions at 9,319 ay para naman sa teaching related positions, subalit hindi kumukuha…
Read MorePAGPAPASARA SA 55 SCHOOL SA DAVAO, PINAGTIBAY NG DEPED
(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY–Pinagtibay ngayon ng Department of Education (DepEd)-11 na may sapat na basehan ang pagpapasara sa 55 mga paaralan sa Salugpungan Ta’Tanu Igkanogon Community Learning Center, Inc. (STTICLCI), na nag-operate sa mga malalayong lugar sa lungsod at sa ibang rehiyon ng Mindanao. Unang sinabi ni Jenielito Dodong Atillo, tagapagsalita ng DepEd-11, na kasali sa mga naging rason ang imbestigasyon kung saan napag-alaman na nagsumbong ang ilan sa mga mag-aaral na naging guro nila ang isang full time member ng New People’s Army (NPA). Ayon kay Atillo, ilan sa…
Read MoreHIWALAY NA SECTION NG BABAE, LALAKI, KINONTRA NG DEPED
(NI DAHLIA S. ANIN) HINDI pinaboran ng Department of Education (DepEd) ang panukala ng National Youth Commission o NYC na paghiwalayin na ng section ang mga babae at lalaki sa Grade 7 hanggang Grade 12 upang mabawasan umano ang kaso ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis. Lumalabas sa pag aaral na mas lalong tumaas ang bilang ng kababaihang nabubuntis mula edad 15 hanggang 19. Pero ayon sa DepEd, wala pa naman umanong pag aaral na direktang makapag sasabi na makatutulong ang paghihiwalay ng babae at lalaki upang mabawasan ang bilang…
Read MoreJOGGING PANTS SA STUDENTS VS DENGUE, HINILING SA DEPED
(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ng isang senador ang Department of Education (DepEd) na pag-aralang mabuti na pansamantalang ipagbawal ang pagsusuot ng school uniform ng mga estudyante para maiwasan ang sakit na dengue. Sa sulat na ipinadala ni Senador Nancy Binay DepEd Sec. Leonor Briones, nananawagan ito na payagang makapagsuot ng jogging pants o pantalon ang mga mag-aaral hangga’t hindi nakokontrol ang epekto ng dengue virus. “I am respectfully requesting that your office study the possibility of allowing students to forgo the wearing of uniforms in school in favor of clothing like long…
Read MoreDEPED INUPAKAN SA MABAGAL NA PAGPAPATAYO NG MGA SCHOOL
(NI NOEL ABUEL) SINISISI ng isang senador ang mabagal na pagpapatayo ng silid-aralan ng Department of Education (DeEd) kung kaya’t hindi nito nakamit ang target na bilang ng enrollees sa mga paaralang multigrade, Special Education (SPED), Arabic Language Islamic Values Education (ALIVE), Indigenous Peoples Education (IPED) at Alternative Learning System (ALS). Ayon kay Senador Win Gatchalian, chair ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, sa pagdinig ng Committee on Finance tungkol sa 2020 budget ng DepEd, dahil sa kabiguan ay nagkaroon ng domino effect o negatibong resulta. “Ang…
Read MoreEDUKASYON NG KATUTUBO TINIYAK NG DEPED
(NI MAC CABREROS) “It’s the first time that a Secretary of Education visited this village!” Inihayag ito ni Talaingod (Davao Del Norte) Mayor Jonnie Libayao nang bumisita si Education Secretary Leonor Briones para personal na tignan ang kalagayan ng edukasyon ng mga Indigenous People sa lugar. Nagkasundo sina Briones at Libayao na magtayo ng gusali para sa pag-aaral ng mga IP mula Kinder hanggang HS. Makikipag-ugnayan naman ang alkalde sa CHEd para sa college education ng mga katutubo. “Talaingod was the IP area I failed to visit many years ago…
Read More