DFA TUTOK SA MGA PINOY SA HAITI    

haiti1

(NI ROSE PULGAR) NAKIKIPAG-UGNAYAN ngayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa tinatayang 500 miyembro ng Filipino Community sa Haiti  para sa mahigpit na pagmomonitor sa sitwasyon sa Caribbean Country kasunod ng mararahas na kilos protesta simula pa noong Pebrero 8. Sa report ni Ambassador to the United States sa home office Jose Manuel G. Romualdez ang mga Pilipino sa Haiti ay pinayuhan na manatili sa loob ng bahay at ihanda ang kanilang mga plano sa sarili at seguridad. Hinikayat ng DFA ang mga Pilipino sa Haiti na magparehistro online…

Read More

DFA AAYUDA SA NAKAKULONG NA CALL CENTER AGENTS SA HK

hk

TUTULUNGAN ng Department of Foreign Affairs ang tatlong Pinoy call center employees na nakakulong sa HongKong dahil sa umano’y pagkakasangkot sa scam sa pagbubukas ng mga bank accounts gamit ang pekeng dokumento. Sa pahayag ng DFA, sinabi na ang mga Pinoy ay nakakulong ng hanggang limang buwan matapos makiisa sa free HongKong tour na pang engganyo at gagamitin para magbukas ng bank accounts. “Tumutulong ang DFA sa tatlong call center agents na nakakulong doon. Aayuda rin ang Philippine Consulate sa Hong Kong sa anumang suporta at legal advice,” sabi sa…

Read More

LOCSIN NAPIKON; PAPATAY SA HIHINGI NG BIRTH CERT

teddyboy

NAPIKON si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., at nagbantang papatayin ang sinumang hihingi ng birth certificate bilang requirement sa pagre-renew ng passport. Martes ng umaga ay may nagtanong sa kanyang twitter account kung kailangan pa rin ng birth certificate sa renewal ng passport. “Sir @teddyboylocsin kailangan pa rin po ba ng birth certificate pag nag parenew ng passport? Salamat po,” ayon sa tweet ng netizen. “Hindi. Putangina. Not for passport renewal. If anyone asks you, tell me who and I will fucking kill him/her,” sagot ni Locsin. Tinanggal ni…

Read More

DFA SA OFWs: LUMAHOK, BUMOTO SA MAY ELECTIONS

ofw12

(NI DAVE MEDINA) HINIYAKAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang panig ng mundo na makilahok at bumoto nitong midterm elections. Sa inilabas na paalaala ng DFA, ang overseas voting para sa 2019 midterm elections ay magaganap sa April 13 hanggang May 13, 2019. Ang kampanya ng DFA kasama ang Comelec para sa Overseas Voting ay may temang “Patibayin ang Ating Demokrasya, Ating Karapatan at Katungkulan” Para sa mga OFWs na nasa iba’t ibang panig ng mundo, maaring bumisita sa pinakamalapit na…

Read More

DFA NAKATUTOK SA MGA PINOY SA PARIS FIRE

fire6

(NI ROSE PULGAR) PATULOY na minomonitor  ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang malagim na naganap na sunog tumupok sa isang apartment sa distrito ng Paris kung saan maraming mga Pilipino ang naninirahan. Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Paris,nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad upang matukoy kung may mga Pilipino na kabilang sa 10 nasawi at 37 sugatan sa nasabing sunog na tumupok sa walong palapag  ng apartment building sa Erlanger sa ika-16 na distrito nitong nakalipas na Martes. Kasabay nito, ipina-abot ng embahada ang pakikiramay mula kay Ambassador…

Read More

LOCSIN ‘DI AATRAS SA CHINESE ENVOY

boy300

(NI DAVE MEDINA) NAKAHANDANG makipag-debate si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro ‘Teddyboy” Locsin Jr. sa kinatawan ng Chinese government sa United Nations (UN) para tutulan ang pagtatayo ng China ng maritime rescue center sa Kagitingan Reef. Naniniwala si Locsin na  mayroong tamang forum upang talakayin ang mga interes ng Pilipinas at China nang hindi nagkakagulo o nagkakainitan. Ayon kay Locsin , na kilala sa pagbibitiw ng  maanghang na salita, nakahanda siyang ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa mga isla sa West Philippine Sea hanggang sa UN at hindi aatras sa…

Read More

P38-M SA JOLO BLAST VICTIMS IBIBIGAY NG CHINESE ENVOY

china200

NANGAKO si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na magbibigay ng RMB 5 milyon o aabot sa P38 para sa biktima ng Jolo cathedral blast, ayon kay Foreign Affairs secretary Teddy Locsin. “Chinese Amb Zhao is donating 5 million RMB to the families of the blast victims in the Jolo Cathedral,” sabi sa tweet ni Locsin. “Thank you so much. A friend in our grief is a friend indeed,” dagdag pa ni Locsin. Umaabot na sa 21 katao ang namatay habang halos daan ang nasugatan sa twin blasts na…

Read More

“RAPIST’ NG PINAY SA SAUDI ARESTADO

rape200

NASA pulisya na umano ang sinasabing nan-rape sa Pinay worker sa Saudi Arabia base sa kahilingan ng Philippine Consulate General in Jeddah, ayon sa  Department of Foreign Affairs (DFA). Ang suspect na kumakatawan sa recruitment agency ng biktima ay inakusahan ng rape ng Pinay. Ayon kay Consul General Edgar Badajos, sinundo umano ang biktima sa Consulate shelter matapos umanong tiyakin sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) na maililipat sa ibang employer ang biktima. Gayunman, sa halip na dalhin sa bagong amo, dinala umano ang biktima sa hotel at doon ay…

Read More

PINOY SA US PINAGHAHANDA SA WINTER STORM

winter

(NI DAVE MEDINA) INALERTO kahapon ng   Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino resident sa Estados Unidos na magkakaroon ng napakalakas na bagyo ng yelo at snow sa tatlong states doon kaya triple pag-iingat ang kanilang kailangan. Itinuro ng DFA na maaapektuhan  ng winter storm ang mga American states na  New Jersey, Southern Connecticut at timog silangan ng New York kaya dapat na ang mga residente roon  ay  iwasan ang pagbibiyahe-biyahe sa susunod na ilang araw. Inaasahan ng DFA na magiging mabagsik ang inaasahang pananalasa sa Amerika ng winter storm. Ayon sa…

Read More