DFA AAKSIYON VS 3 PINAY INARESTO SA THAILAND

thai

(NI ROSE PULGAR) NAKIKIPAG-UGNAYAN na ngayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pattaya authorities hinggil sa kalagayan ng tatlong Filipina na naaresto dahil sa ginagawang fund raising para lumikom ng pondo para sa charity children foundation. Ayon kay Ambassador to Thailand Mary Jo B. Aragon, ang Philippine Embassy sa Bangkok ay nakikipag usap na sa mga pulis sa Pattaya upang maiayos ang pagbisita sa tatlong babae. Idinagdag pa nito na palawigin ng embahada ang kinakailangang tulong para sa kanila at maayos ang kanilang kinakaharap na anumang kaso. Pansamantalang…

Read More

KAMARA ‘DI NA SASAWSAW SA PASSPORT BREACH

pass

(NI ABBY MENDOZA) KUNG si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang tatanungin hindi na dapat imbestigahan ang napaulat na passport breach sa Department of Foreign Affairs(DFA). Ayon kay Arroyo hindi naman trabaho ng House of Representatives na magsagawa ng imbestigasyon,kung aid of legislation ang batayan ng pagiimbestiga sa nasabing usapin ay duda din syang may mabubuo pang panukala sa kasalukuyang Kongreso na ilang buwan na lamang ay matatapos ba ang 17th Congress. Matatandaan na una nang naghain ng resolusyon ang Gabriela Partylist Group para imbestigahan passport data breach sa DFA.…

Read More

MAG-ASAWANG NALUNOD  SA MALDIVES DADALHIN SA SRI LANKA

honey

(NI ROSE PULGAR) INIHAYAG kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dadalhin muna sa Sri Lanka ang mga labi ng mag asawang overseas Filipino worker  (OFW) na namatay makaraang malunod sa Maldives. Ayon sa DFA  idadaan muna sa Sri Lanka ang  bangkay ng mag asawa upang embalsamuhin, bago ito iuwi sa Pilipinas. Sinabi ng Philippine Embassy sa Dhaka, ang mga labi nina Leomer Lagradilla at asawa nitong si Erika Joyce ay ililipad sakay ng Sri Lankan Airlines flight patungo ng Colombo, Sri Lanka Miyerkoles ng alas-12:50  na Manila time.…

Read More

YASAY: PAGKUHA NG SUBCON ILLEGAL; DATA NASA BSP, DFA

yasay

(NI ROSE PULGAR) TURUAN ngayon ang usaping may kaugnayan sa pagpo-prosero ng passport at umano’y pagtangay ng dating kompanya sa mga personal na data ng mga aplikante. Kanina ay nagsalita si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay sa umano’y illegal na pagkuha ng sub-contractor ng kompanyang pag-aari ng pamahalaan, ang APO Production Unit, noong panahon na nakaupo pa bilang kalihim si secretary Albert Del Rosario. Ipinaliwanag ni Yasay na hindi ninakaw o tinangay ng dating contractor ang data sa pagpo-proseso ng pasaporte kundi itinago ito sa pasilidad…

Read More

PASSPORT DATA MESS PROBE UUMPISAHAN NA

data

UUMPISAHAN na ng National Privacy Commission (NPC), katulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang imbestigasyon sa passport data mess upang mabatid kung nagamit ang mga datos sa illegal na aktibidad. Sinabi ni NPC Commissioner Raymundo Liboro na wala pa silang nakikitang senyales na ang mga nawawalang datos ay nagamit sa illegaidad dahil kadalasan umano ay nailalabas agad ang ilan sa mga ito o naibebenta. “Mabilis malaman kung nakapagbenta sila ng ilang impormasyon. So far, wala naman,” sabi ni Liboro. Nakatakda din umanong makipagpulong sina Liboro sa mga opisyal ng…

Read More

PALASYO NAKATUTOK SA PASSPORT DATA LOSS

passport

NAGLABAS na din ng statement, Lunes ng umaga , ang Malacanang at suportado ang imbestigasyon sa mga nawawalang passport data kasabay ng pagsabing seryoso at hindi dapat balewalain ang insidente. Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na itinalaga na ang National Privacy Commission na mag-imbestiga matapos ibunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na nagkaroon ng passport data loss nang tangayin ng outsourced passport maker ang applicant’s data nang tapusin ng gobyerno ang kontrata nito. Sinabi ni Panelo na hindi dapat matapos lang ang imbestigasyon sa kung nagamit sa…

Read More

‘NAT’L ID ILAYO SA PALPAK NG DFA’

PASSPORT

(NI BERNARD TAGUINOD) TIYAKING hindi mangyayari sa national ID system ang pagkawala ng personal data ng mga passport holders matapos itakbo umano ito ng dating kontraktor ng e-passport. Ito ang panawagan ni Quezon City Rep. Winston Castelo sa Philippine Statistics Authority (PSA) at National Privacy Commission (NPC) matapos mabunyag ang pagkawala ng mga personal data ng mga passport holders sa Department of Foreign Affairs. Sa ngayon ay naghahanda na ang PSA, NPC at iba pang ahensya ng gobyerno para iimplementa ang ID System sa bansa kung saan bawat mamamayang Filipino ay magkakaroon na ng…

Read More

ILLEGAL PRINTING NG E-PASSPORTS IBINUNYAG

yasay

UNTI-UNTING nabubunyag ang ilang iregularidad sa Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ibunyag ni dating foreign affairs secretary Perfecto Yasay Jr na may isang private printing company na illegal umanong gumagawa ng electronic passports para sa ahensiya kahit na ginagawa na ng ibang kompanya ang proyekto. Sa kanyang Facebook post, ibinunyag ni Yasay ang illegalidad sa harap ng pagtakas umano ng mga gumagawa ng passport sa DFA tangay ang lahat ng data records ng publiko. Ito umano ay makaraang tapusin na ang kanilang kontrata sa pagitan ng ahensiya. Ayon pa…

Read More

NAGTAKBO NG DATA RECORDS KAKASUHAN

passport

(NI NOEL ABUEL) HINDI dapat palagpasin at kailangang papanagutin ng gobyerno ang dating passport maker na nagtakbo ng data records ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ito ang panawagan nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon sa gitna ng pag-amin ni DFA Secretary Teodoro Locsin na nagsisimula sila ngayon sa pagbuo ng lahat ng records para sa mga passport holder. Sinabi ng dalawang lider ng Senado na dapat obligahin ng DFA ang dating contractor na ibalik ang records dahil ito ay pag-aari ng gobyerno.…

Read More