(NI KIKO CUETO) PATAY ang dalawang Pinoy sa nangyaring aksidente sa Palau Islands, ayon sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs. Sa report ng Philippine Consulate General sa Guam (na nangangalaga sa mga Pinoy sa Palau Islands), sinabi nito na may tatlong Filipino na siyang sangkot sa aksidente. Sinasabing isang flatbed truck na nawalan ng kontrol at nahulog sa dagat noong ika-29 ng Setyembre ang dahilan ng kanilang pagkamatay. Namatay ang dalawa sa tatlong mga Pinoy at nakaligtas naman ang isa. Tikom pa ang bibig ng DFA sa…
Read More