DIOKNO ILULUBOG SA KINURAKOT

diok

(Ni ABBY MENDOZA) UMARANGKADA na ang imbestigasyon ng House Committee on Rules sa mga mananomalyang alokasyon ng Department of Budget and Management(DBM) sa ilalim ng 2019 budget, sa Avenue Plaza sa Naga City sa pangunguna ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. Gaya ng inaasahan no-show sa pagdinig si Budget Secretary Benjamin Diokno na nagbakasyon sa bang bansa. Dumalo naman ang may ari ng Construction firm na si Consolacion Tubuhan Leoncio. Matatandaan na ang  C.T Leoncio ang tinukoy ni Andaya na nakakuha ng malalaking flood control projects sa Sorsogon,Catanduanes,Samar,NCR,Pangasinan,Tarlac,Bulacan,Davao City,Camarines…

Read More

GMA: DIOKNO ‘DI AARESTUHIN

gma1

Tiniyak ng liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na hindi maaaresto si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno kapag hindi ito dumalo sa pagdinig sa Kamara hinggil sa mga isiningit umano nitong pork barrel sa 2019 national budget. Ginawa ng Majority leader ni Arroyo na si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., ang nasabing pagtiyak dahil hindi umano dadalo si Diokno sa kanilang isasagawang pagdinig simula Enero 3, 2019. “Alam po ninyo pag-iisipan din namin iyan (na gamitin ang kapangyarihan ng Kamara)  pero alam po ninyo iniisip din…

Read More

P325-M SA BALAE NI DIOKNO, WALA SA MASTER PLAN

casiguran

(Ni BERNARD TAGUINOD) Wala sa binuong master plan ang P325 million flood control projects na ibinigay umano ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa kanyang balae sa Sorsogon. Ito ang isiniwalat ni House Majority leader Rolando Andaya Jr., sa kanyang press conference hinggil sa ibinuhos ni Diokno na pondo sa Casiguran, Sorsogon kung saan Mayor ang kanyang balae na si Mayor Edwin Hamor. Ayon kay Andaya, bumuo ng master plan ang gobyerno para sa flood mitigation program kung saan bukod sa National Capital Region (NCR) ay…

Read More

DIOKNO KINONTRA SA PAGBUWAG NG ROAD BOARD

(NI BERNARD TAGUINOD) Tatlong departamento ang maghahari sa bilyong-bilyong pondo ng Road Users’ Tax sakaling magtagumpay si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa  “pagbuwag” sa kasalukuyang sistema sa  Road Board. Sa press conference sinabi ni House Majority leader Rolando Andaya na walang katotohanan na tuluyang iaabolish ang Road Board sa ilalim ng ipinasang batas ng administrasyon ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez kundi ibibigay lang ang kontrol sa tatlong ahensya ng gobyerno para pagharian umano ang road user’s tax. “Kung titingnan natin yung House Bill na…

Read More

LAGLAGAN NA!

diokno

(BERNARD TAGUINOD) INILALAGLAG na ng kanyang mga tauhan sa Department of Budget and Management (DBM) si Secretary Benjamin Diokno hinggil sa anomalya, hindi lamang sa 2019 national budget kundi simula pa sa pondo noong 2017. Isiniwalat ito ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., matapos makakuha umano ng impormasyon sa loob ng DBM hinggil sa mga kuwestiyonableng alokasyon sa Sorsogon. Ayon kay Andaya, mismong taga-DBM ang nagkumpirma na November 2017 pa lamang ay nai-bid na ang mga proyekto sa Sorsogon para sa taong 2018 gayung tinatrabaho pa lamang ng Kongreso…

Read More

DU30 GOV’T BILIB PA RIN KAY DIOKNO

Diokno

Ni Lilibeth Julian BILIB pa rin ang administrasyong Duterte kay Budget Secretary Benjamin Diokno kahit siya ang itinuturo ng mga kongresista na may pakana ng multi-bilyong pork barrel sa P3.757 trilyong badyet ng gobyerno  sa susunod na taon. Isinilarawan ni Presidential spokesperson Salvador Panelo si Diokno bilang isang “Man of Integrity.” Sinabi ni Panelo na sakaling ihayag ni Diokno na hindi siya sangkot sa iregularidad ay pinaniniwalaan ito ng Malakanyang. Ito ay sa kabila ng natuklasang milyones na nakasingit na pork barrel fund sa maraming mga kongresista para sa mga…

Read More

DIOKNO NA ‘UTAK’ NG MAANOMALYANG P3.7-T 2019 BADYET PINASISIBAK

DIOKNO-2

(Ni BERNARD TAGUINOD) NAGALIT ang mga kongresista kay Secretary Benjamin Diokno sa pagiging ‘utak’ nito sa pagsingit ng multi-bilyong pork barrel sa mungkahing P3.757 trilyong badyet ng administrasyon sa susunod na taon na siya lamang ang nakakaalam, kaya pormal nilang hiniling kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na ang opisyal sa Department of Budget and management (DBM). Sa pamamagitan ng viva voce voting, inaprubahan sa plenaryo ng mababang kapulungan kahapon ang House Resolution (HR) 2365 o “Resolution urging the Office of the President to reconsider the appointment of Honorable Benjamin…

Read More

DIOKNO: ‘WALANG PORK BARREL SA P3.757 TRILYONG BADYET!’

DIOKNO-1

(Ni ABBY MENDOZA) ISINALBA ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa iskandalong pasan-pasan nito hinggil sa bilyun-bilyong pork barrel. Sa question hour kahapon, tiniyak ni Diokno sa mga kongresista na walang “insertions” na bilyun-bilyon ang halaga sa mga distrito ng mga mambabatas para sa P3.757 trilyong mungkahing badyet ng administrasyong Duterte para sa 2019 nang tanungin siya ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza ukol sa kontrobersiya. Ang bulto sa sinasabing isiningit na pork barrel ay nakalaan sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highway…

Read More

DIOKNO GIGISAHIN SA KAMARA DAHIL SA P1 TRILYONG ‘DI NAGASTOS NA PONDO

DIOKNO-2

NAKATAKDANG gisahin si Budget Secretary Bejamin Diokno sa Kamare de Representantes sa Disyembre 11 upang ipaliwanag ang nakatenggang P1 trilyong pondo ng administrasyon nitong nakalipas na dalawang taon. Pinadalhan na ng tanggapan ni Majority leader Rolando Andaya Jr. si Diokno upang humarap ito sa “Question Hour” ng Kamara sa Martes. Kasama rin sa ipinadala ay mga posibleng itanong sa kanya na may kinalaman sa P1 trilyon underspending ng administrasyong Duterte. May mga ekonomista na naniniwalang nagiging problema sa pagsulong ng ekonomiya ang underspending o hindi paggastos ng pondo ng pamahalaan.…

Read More