TULUYAN nang kinansela ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang 172 courtesy diplomatic passport na inisyu sa mga retiradong ambassadors. Sa panayam, sinabi ni Locsin na ang maaari lamang umanong gawin ng mga may hawak ng naturang passport ay pumunta sa kanyang tanggapan at posibleng mai-renew ito. Nauna nang inihayag ng DFA ang kanselasyon ng courtesy diplomat passports na inisyu sa mga diplomats matapos ang nangyari kay dating Foreign secretary Albert Del Rosario na pinigilan makapasok sa Hong Kong airport. Dadalo sana si Del Rosario sa isang business meeting sa…
Read More