(NI ABBY MENDOZA) DALA sa idinulot na vaccine scare ng Dengvaxia, umaapela ang isang mambabatas sa media na tumulong para mawala ang takot ng publiko sa vaccination program ng Department of Health (DoH) sa harap na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue gayundin ng posibilidad ng pagbalik ng mga sakit gaya ng polio. Ayon kay House Committee on Health Vice Chairman Alexie Tutor mula noong taong 2000 ay naideklara nang polio-free ang bansa subalit sa ngayon ay nanganganib na magkaroon ng high risk polovirus transmission kung marami…
Read MoreTag: DOH
PONDO BUMUHOS; P67.3-B NG DOH IBIBIGAY SA PHILHEALTH
(NI BERNARD TAGUINOD) SA gitna ng mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), binubuhusan pa rin ito ng pondo sa ilalim ng 2020 national budget habang kinaltasan naman ang budget ng mga public hospital tulad ng Philippine General Hospital (PGH). Ito ang inirereklamo ng mga militanteng mambabatas matapos matuklasan sa plenary debate sa pondo ng Department of Health (DOH) na malaking bahagi sa kanilang P155 Billion sa 2020 ay mapupunta lang sa Philhealth. Sa press conference ng Makabayan bloc sa Kamara nitong Biyernes, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand…
Read MoreDENGUE PUMALO NA SA 249,332; NASAWI NASA 1,021
(NI HARVEY PEREZ) PUMALO na sa may 249,332 ang naitalang kaso ng dengue ng Department of Health (DOH) at nasa 1,021 na ang bilang ng mga nasawi mula Enero 1 hanggang Agosto 21, 2019. Nabatid kay Health Undersecretary Eric Domingo, ito ay may 50% mataas kumpara sa naitalang 119,224 kaso ng dengue at 622 ang nasawi sa kaparehas na panahon noong 2018. Sinabi ni Domingo na karamihan ng kaso ng dengue ay naitala sa Western Visayas na may 42,694; sinundan ng CALABARZON, 35,136; Northern Mindanao, 18,799; Zamboanga Peninsula, 17,529; at…
Read MoreKARNENG BABOY LUTUING MABUTI — DOH
PINAPAYUHAN ng Department of Health (DoH) ang publiko na ilutong mabuti ang karneng kanilang kakainin upang makaiwas sakit, lalo na ngayong nakumpirmang may mga baboy na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF). Matapos kumpirmahin ng Department of Agriculture (DA) na nagpositibo sa ASF ang ilang baboy sa ilang parte ng bansa, wala naman umano itong masamang epekto sa mga tao ayon sa DOH. “We want to allay the fears of the public by saying that, as long as pork is bought from reliable sources and it is cooked thoroughly, pork…
Read MorePAGBABAWAL NG VAPE SA PAMPUBLIKONG LUGAR, OK SA MMDA
(NI LYSSA VILLAROMAN) SUPORTADO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa paggamit ng electronic cigarettes (e-cigarettes) at vapes sa mga pampublikong lugar na iminumungkahi ng Department of Health (DoH). Ayon kay MMDA Chair Danilo Lim, suportado ng kanyang ahensya ang hakbang ng DOH-Food and Drug Administration na naaayon para sa epektibong regulasyon ng mga Electronic Nicotine and Non-nicotine Delivery Systems (ENDS/ENNDS) products dahil nakakasama ito sa kalusugan ng tao. “Umaasa akong mahigpit na maipatutupad ang utos bilang suporta na rin sa ating ‘smoke-free environment’ campaign,” ani Lim. Dagdag…
Read MoreDUQUE DINIKDIK SA KAMARA SA UHC LAW
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI papayag ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na sa piling lugar lang ipatutupad ang Universal Health Care (UHC) Law dahil kailangan ito ng mga mahihirap na pasyente sa buong bansa. Ginawa ni Albay Rep. Joey Salceda matapos aminin ni Health Secretary Francisco Duque na hindi ipatututupad ang UHC law sa buong bansa dahil sa kakulangan umano ng pondo. “That cop out is morally unacceptable,” ani Salceda na chairman ng House committee on ways and means dahil mahalaga ang nasabing batas sa mga mahihirap na pasyente. “It should…
Read MoreDOH PINAGLALAAN NG PONDO VS FAKE NEWS
(NI DANG SAMSON-GARCIA) INIREKOMENDA ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na maglaan din ang gobyerno ng budget para sa information campaign laban sa fake news sa vaccination program ng gobyerno bukod sa P7.5 billion national immunization budget sa 2020. Sinabi ni Recto na hindi na sapat na maglaan lamang ng pondo para sa bakuna kundi dapat magkaroon din ng creative information drive na magbibigay katiyakan sa mga magulang na ligtas at mahalaga ang mga bakuna. “Kailangan ng gamot laban sa haka-haka at maling impormasyon. We should not lose the…
Read MoreP19-B HINIHINGI NG DOH SA PAGBILI NG GAMOT SA 2020
(NI BERNARD TAGUINOD) BABANTAYAN na ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Department of Health (DOH) sa pagbili at pagdeliver ng gamot sa mga public hospital matapos matuklasan na humihingi ang departamento ng P19.1 billion na pondo para pambili ng gamot sa susunod na taon. Ito ang nabatid kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor dahil hindi katanggap-tanggap aniya na umaabot sa P18.449 billion na binili ng DOH mula 2015 hanggang 2018 ang hindi pa naibibigay sa mga public health care facilities base sa report ng Commission on Audit (COA).…
Read MorePONDO NG DoH SA ANTI-DENGUE CAMPAIGN BUBUSISIIN
(NI BERNARD TAGUINOD) BUBUSISIIN ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ginagastos ng Department of Health (DoH) sa kanilang kampanya laban sa dengue kung saan patuloy na dumarami ang nabibiktima. Ito ang siniguro ni House assistant minority leader Janette Garin kung saan kinumpirma nito na namumudmod ng dengue kits kahit nagbabala ito na posibleng pagmulan ito ng korupsyon. “Matagal na (namimigay ng dengue kit ang DoH) since pumutok yung dengvaxia scare. Good to investigate anu-ano ba pinaggastusan ng DoH,” ani Garin dahil sa kabila nito ay dumarami umano ang…
Read More