WALANG CONFLICT OF INTEREST — DUQUE 

PHILHEALTH-SEC DUQUE

(NI NOEL ABUEL) PINANININDIGAN ni Department of Health (DOH) na walang conflict of interest sa negosyo ng pamilya nito ang pagiging kalihim nito ng ahensya. Sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committe, na pinamunuan ni Senador Richard Gordon, layon nito na hubaran ng maskara ang mafia sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), hinarap ni Duque ang mga senador para sagutin ang ibinabatong akusasyon laban dito. “My personal interest in EMDC did not in any way conflict with the interest of the government,” sabi ni Duque. Magugunitang…

Read More

DOH NAG-IINGAT SA DENGVAXIA VACCINE

deng1

(NI DAHLIA S. ANIN) HINDI mamadaliin ng Department of Health (DoH) ang pagre-review sa posibleng muling paggamit ng dengvaxia vaccine kahit pa nagdeklara na ng national epidemic ang ahensya dahil sa nakaaalarmang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa. Matatandaan na ipinatigil ng kagawaran ang pagbibigay ng dengvaxia vaccine sa mga estudyante bago matapos ang 2017, matapos magpahayag ang Sanofi, na siyang manufacturer ng nasabing vaccine na maaaring magkaroon ng mas malalang sintomas sa mga pasyente ang bakuna kung ang naturukan nito ay hindi pa nagkakaroon ng dengue. Noong nakaraang…

Read More

NDRRMC NAGHAHANDA VS NATIONAL DENGUE EPIDEMIC

dengue56

(NI AMIHAN SABILLO) NAGSAGAWA ng full council ang NDRRMC kasunod ng deklarasyon ng Department of Health ng National dengue epidemic. Matapos na maitala ang 146,062 kaso ng dengue mula Enero ng hanggang Hulyo 20 ng taong kasalukuyan na mas mataas ng halos 100 porsyento sa naitala sa paraehong mga buwan noong nakaraang taon. Sa bilang na ito, 622 ang nagresulta sa pagkamatay ng biktima. Base sa surveillance report ng DOH, ang Region 6 o Western Visayas ang may pinakamaraming kaso ng dengue na umabot sa 23,330. Ang Region 4-a o…

Read More

KAMARA DISMAYADO SA DOH SA P18-B EXPIRED NA GAMOT

duque33

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI malayong tanggalin na sa Department of Health (DoH) ang pagbili ng gamot matapos matuklasan ng Commission on Audit (COA) na umaabot sa P18.5 billion halaga ng mga medisina na hindi naiideliber ng ahensya sa mga public hospital at mae-expire na. Ito ang nabatid kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor matapos ihain ang House Resolution (HR) 145 para imbestigahan ang bagay na ito at gumawa ng batas upang hindi na ito maulit at isa sa mga ikonokonsidera ng mambabatas ay tanggalin na sa DoH ang pagbili ng mga…

Read More

ANOMALYA SA PCSO, PHILHEALTH IIMBESTIGAHAN SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) NAGPAHAYAG ng kahandaan si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na magpatawag ng Senate investigation sa sinasabing anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth). Ayon sa senador, nais nitong papanagutin ang sinumang opisyales ng nasabing mga ahensya na nagmalabis sa tungkulin at pagkaitan ng tulong ang mga mahihirap. “Kung ano po ’yung interes ng tao, interes ng Pilipino, ’yun po ang mangunguna. Managot ang dapat managot,” sabi pa nito. Una nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa operasyon ng PCSO gaming noong Hulyo 26…

Read More

DOH KAILANGAN NG 26,000 HEALTH WORKERS

doh12

(NI DAHLIA S. ANIN) NAGBUKAS ng mahigit sa 26,000 posisyon ang Department of Health (DoH) para maging community health workers. Aabot sa 26,035 kontraktwal na posisyon ang binuksan ng ahensya matapos aprubahan ang budget para sa deployment program ng DoH. Kasama sa mga posisyong maaring aplayan ay doktor, nurse, dentista, medical technologist, nutrionist-dieticians, pharmacist, physical therapist at midwife. Ayon sa Director of Health Human Resource Development ng Bureau ng DoH na si Kenneth Ronquillo, “Ito yung mga profession na kailangan natin sa rural health unit usually. Sa highly-urbanized and independent…

Read More

33 BRGY SA BICOL NASA DENGUE HOTSPOTS NG DoH

dengue66

(NI HARVEY PEREZ) INILAGAY ng Department of Health-(DoH) Region 5 ang 33 barangay sa Bicol bilang dengue ‘hotspots’ sanhi ng tumataas na bilang ng kaso ng dengue sa rehiyon. Base sa  Epidemiology Surveillance Unit ng  DOH-5, ang Camarines Sur, ang kinakitaan ng pinakamaraming dengue hot spots na may 13 lugar, kasunod ay Sorsogon, 10 ; Albay, 7; Masbate, 2; at Catanduanes, 1. Ayon kay DoH-5 Regional Director Ernie Vera, 30 katao ang nasawi sa Bicol na karamihan ay bata na may edad 6-10 sa unang pitong buwan ng 2019. Ito…

Read More

1,069 KASO NG TIGDAS NAITALA SA DAVAO REGION

tigdas8

(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY—Nakapagtala ang Department of Health (DOH)-XI ng 1,069 kaso ng tigdas kung saan 65 porsiyento ang galing sa mga hindi nagpabakuna. Ayon kay DOH national immunization program officer Janis Olavides nitong Biyernes, Hulyo 18, wala pa ring dapat ikabahala at hindi na kailangang magdeklara ng “measles outbreak” dahil bumaba pa umano ito ng 13 porsiyento sa kumpara sa nakaraang taon. Naipakita din sa kasalukuyang datos na ang lunsod ng Davao ay may 444 na kumpirmadong kaso. Base sa rekord nitong taon, naipakita din ang pagbaba ng…

Read More

PALASYO NAKAALERTO VS DENGUE

doh44

(NI BETH JULIAN) KUMIKILOS na ang pamahalaan sa problema sa dengue sa bansa. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, alam ni Health Secretary Francsico Duque ang kanyang trabaho kaya umaasa silang malalampasan ng Pilipinas ang banta ng dengue. Una rito ay idineklara ni Duque ang national dengue alert sa bansa. Kasabay nito ay nanawagan si Duque sa publiko na maging malinis sa kapaligiran at agad na ipasuri sa doktor ang makikitaan ng sintomas ng dengue. 297

Read More