(NI NOEL ABUEL) AABOT sa mahigit sa 13,000 nurses ang nakatakdang bigyan ng trabaho ngayong taon na nakapaloob sa inaprubahang General Appropriations Act (GAA) sa 2019 national budget. Ito ang sinabi ni Senador JV Ejercito kung saan may sapat na pondo para sa sahod at iba pang financial benefits na nagkakahalaga ng P7 bilyon para sa pagpapadala ng karagdagang 13,578 nurses sa ilalim ng Human Resources for Health (HRH) program ng Department of Health (DoH). Sa kasalukuyan, base sa datos ay nasa 3,627 nurses ang nakakalat sa mga pampublikong ospital…
Read MoreTag: DOH
KASO NG TIGDAS BUMABA NA
(NI DAHLIA S. ANIN) SA pinakabagong tala ng Department of Health (DoH), humupa na umano ang kaso ng tigdas sa buong bansa. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, may ilang rehiyon sa bansa na bumaba na ang bilang ng apektado ng tigdas at mayroon ding wala nang bagong kasong naitala ngunit hindi umano ibig sabihin ay wala na ang outbreak. Nauna nang inihayag ng DoH na nakuha na nila ang target na 3.8 milyong bata na may edad na anim na buwan hanggang 59 buwan na mabakunahan bago matapos…
Read MoreDoH NAGBABALA VS SAKIT SA TAG-INIT
(NI DAHLIA S. ANIN) SA simula ng tag-init mauuso na naman ang iba’t ibang uri ng sakit kaya naman nagbabala ang Department of Health (DoH) upang maiwasan at magamot agad kung tamaan nito. Isa sa mga sakit na usung-uso tuwing tag-init ay ang sore eyes. Magsisismula ito sa pangangati, pamumula at pagmumuta ng mata. Payo ng DoH, ipatingin agad sa doktor kung magkakaroon nito at huwag patakan ng kung anu-ano. Ayon kay Health Usec Eric Domingo, ang sore eyes ay isang sakit na madaling maipasa sa iba, halimbawa kung ang…
Read MorePAGDAMI NG MAY AIDS/HIV SA WESTERN VISAYAS IKINABAHALA
(NI BERNARD TAGUINOD) UMAPELA ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno lalo na sa Department of Health (DoH) na paigtingin ang kampanya laban sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa Western Visayas region dahil sa pagdami ng mga nahahawa sa nasabing sakit. Kasabay nito, hiniling ni House deputy speaker Sharon Garin sa DoH na pabilisin ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulation (IRR) sa Republic Act (RA) 11166 o HIV & AIDS policy act of 2018 para maipatupad…
Read MoreKABATAANG NABUNTIS NANG WALA SA ORAS ‘AALAGAAN’ NG DoH
(NI BERNARD TAGUINOD) BABAHAY-BAHAYIN na o personal nang pupuntahan sa kani-kanilang bahay ng mga health professionals ang mga kabataan na nabuntis nang wala sa oras at walang asawa para asistehan ang mga ito at ang batang nasa sinapupunan. Ito ay matapos aprubahan ng House Committee on Women and Gender Equality na pinamumunuan ni BH party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy ang House Bill 5768 na naglalayong magkaroon ng “maternal and infant health home visiting program” ang Department of Health (DoH). Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Maximo Rodriguez, Jr., may-akda sa nasabing panukala, personal nang pupuntahan ng mga health…
Read MoreNAMATAY SA DENGUE NASA 140 NA — DoH
HINDI pa man natatapos ang problema ng Department of Health (DoH) sa epidemya ng tigdas, kaso naman ng dengue ang tinututukan ngayon ng kagawaran. Higit 30,000 na ang naitalang kaso ng dengue sa buong bansa, ayon sa DoH at mula sa inilabas na datos ng Epidemiology Bureau simula Enero 1 hanggang Pebrero 23, tinatayang 36,664 na ang bilang ng dengue cases sa bansa at 140 na namatay. Nababahala naman ang DoH dahil sa mataas na bilang ng kaso ng dengue. Mas mataas umano ito ng 14,703 kung ikukumpara sa parehong…
Read MoreNAMATAY SA TIGDAS PUMALO NA SA 215 — DOH
UMAABOT na sa 215 ang namatay sa tigdas, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. Dahil dito, hindi tumitigil ang kagawaran sa pakikipag-ugnayan sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak para makaiwas sa sakit. Sinabi ni Duque na bukod sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at malusog na pamumuhay, ang pagpapabakuna ay isang mabisang paraan para makaiwas sa sakit. Tiniyak nito sa publiko na ligtas ang measles vaccine at iba umano ito sa Dengvaxia na bakuna laban sa dengue. Kasabay nito, ikinatuwa ng kalihim ang pag-absuwelto sa kanya ng…
Read More‘NO VACCINATION, NO ENROLLMENT POLICY’ PAG-AARALAN
(NI KEVIN COLLANTES) TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na pag-aaralan nila ang suhestiyon ng Department of Health (DoH) na magpatupad ng “No vaccination, no enrollment policy” sa mga pampublikong paaralan. Ito’y kasunod na rin ng pagkakaroon ng measles outbreak sa ilang rehiyon sa bansa. Sinabi ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones, pag-aaralan nila ang panukala at ang mga karapatan ng mga mag-aaral ang pangunahin nilang ikukonsidera bago ito tuluyang ipatupad. “As much as there is a growing need to reinvigorate the campaign for the importance of vaccination, the proposed…
Read MoreDoH: OFW NEGATIBO SA MERS-CoV
NAKAHINGA na nang maluwag ang pamilya ng sinasabing may MERS-CoV matapos makumpirmang negatibo ito sa sakit nang mailabas ang pagsusuri, ayon sa Department of Health (DoH). Isinugod sa isang pribadong ospital sa Laguna ang pasyente na galing sa Saudi Arabia matapos magkasakit na nagpakita ng sintomas ng Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV). Sinabi ni Glen Ramon, spokesperson ng DoH sa Calabarzon, na negatibo ang resulta ng pagsusuri base sa RITM. Nauna nang dinala sa Laguna Doctors Hospital sa Sta. Cruz, Laguna ang biktima dahilan para agarang linisin at i-disinfect…
Read More